Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Argentina pumabor sa aborsyon

0 225

Pinahihintulutan na ang ligal na aborsyon sa Argentina matapos pirmahan ni President Alberto Fernandez ang abortion bill.

Kasunod ng pagsasabatas nito, pwede na sa nasabing bansa ang pagpapalaglag sa sanggol sa unang 14 linggo ng pagbubuntis.

Sa ulat, ang Argentina na ang pinakamalaking bansa sa Latin America na pinapayagan ang legal abortion bukod sa Cuba, Uruguay, Guyana at ilang bahagi ng Mexico.

Alinsunod sa isang batas noong 1921, pinapayagan lang ang abortion sa mga kaso ng rape o kapag may panganib sa buhay ng buntis. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.