Una sa Balita

Argentina coach dinuraan, binato; Croatian fan nagulpi!

By
0 1,063

Iritado ang mga Argentina supporter pagkatapos ng ikalawang talo ng bansa sa World Cup at hindi itinago ang inis kay coach Jorge Sampaoli.

Sinigawan, dinuraan at binato raw ng water bottle ang coach na tinamaan sa ulo.

Pero ang bayolenteng lumabas ay ang video na ginugulpi ng Argentinian fans ang isang Croatian fan pagkatapos ng nakakahiyang 3-0 loss ng Argentina sa Croatia sa Nizhny Novgorod Stadium sa Russia.

Huwebes pa nangyari ang match at pambubugbog, kinabukasan ay lumabas online ang video. Ayaw magkomento ng local police sa lumabas na footage.

Nasa limang Argentinian fans ang nagtulong para gulpihin ang isang lalaki na nakasuot ng red-and-white checkered Croatia jersey. Nangyari ito sa passageway ng stadium habang hindi pa natatapos ang laro.

Pati fans na nakasuot ng Argentina jerseys ay sumisigaw ng “o!” at nagtatangkang umawat, sinipa pa ulit ng isang lalaki ang ulo ng Croatian fan na lugmok na. Halinhinang pinagsusuntok ang fan, pinagsisipa sa ulo.

Kita sa video na lupaypay na ang ginugulpi nang magpulasan ang mga umatake, isang babae ang tumulong sa biktima.