Una sa Balita

Arci, Zanjoe Denmark trip nabuking ni Alessandra

0 900

abante-anything-goes-jun-lalinWhat a small world. Nang manggaling pala sa Iceland ang production team ng pelikulang ginawa roon nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis, nakasabay nila sa plane sina Zanjoe Marudo at Arci Muñoz na galing naman sa Copenhagen sa Denmark.

Siyempre, hindi nakasabay pabalik ni Alessandra ang dalawa dahil hindi naman siya umuwi kaagad ng Pilipinas dahil naki-bonding muna siya sa mga kapatid na sina Maggie at Isabel sa Ams­terdam.

Nag-i-enjoy muna sa Amsterdam si Alessandra with her sisters after nga ng shooting­ nila ng Through Night And Day na co-producer siya. Maasikasong producer nga raw si Alessandra sabi ng production staff ng movie nila ni Paolo dahil pinag­luluto pa sila ng aktres.

Hilig talaga ni Alessandra ang magluto, kaya naman nag-enjoy ang mga kasama nila sa Iceland dahil masasarap ang mga putahe niya, huh!

Sayang nga lang at wala raw boyfriend nga­yon si Alessandra, kaya puro friends and family lang ang pinagluluto niya lately, huh!

 

Raymond araw-araw nagtatrabaho

Araw-araw na ang trabaho ni Raymond Gutierrez, dahil madalas na nagte-taping for his new show sa digital platform ng ABS-CBN (‘yung iWantTV na magiging mala-iFlix at Netlix na nga, kaya mapupuno ng napakaraming shows at movies).

Hindi reklamador si Raymond pagdating sa trabaho, kaya ine-enjoy niya ang pagiging host ng show, plus creative head and director.

Hindi na naman bago sa kanya ang dalawang huling position dahil sa It Girls ng E! ay ‘yon ang work niya, pero this time, host pa siya.

Ang maganda, si Raymond na rin ang nakikipag-usap sa mga gusto niyang i-guest (o sa management team nila), kaya nagiging possible talaga ang bawat episode na maisip niya. Noong isang araw nga ay nasa taping siya ng GGV dahil guest niya si Vice.

“Tiring, pero masaya kasi,” sabi ni Raymond, na may pa-“sneak peek” ng kanyang show sa kanyang Instagram account (@mond).
Anyway, sa Sunday ay may taping na naman siya, pero dahil nakiusap sa kanya ang mga namamahala ng Star Awards for Television, right after­ ay dederetso na siya sa The Henry Lee Irwin Thea­ter sa Ateneo de Manila University para sa nasabing awards event kung saan ay kasama niyang magho-host sina Jodi Sta. Maria, Yassi Pressman, Robi Domingo at Julia Barretto.