Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci wasak puso kay Slapshock Jamir Garcia

0 339

Marami ang nagulat sa pagkamatay ni Jamir Garcia, ang bokalista ng Slapshock band.

“Hindi pa rin ako makapaniwala,” ang sabi ni Arci Munoz.

Nagbalik-tanaw si Arci sa kanyang kabataan sa pamamagitan ng video na pinost niya sa Instagram. Inamin niyang malaking impluwensiya sa kanya ang banda.

Ayon sa aktres, grade 6 siya noong una niyang napanood ang Slapshock sa kanilang school par sa ‘battle of the bands’ event, at doon daw siya nagsimulang mangarap na maging rock star.

“Sabi ko gusto ko maging rockstar at mag-rock out sa stage gaya mo. Walang takot ramdam ko yanig sahig at puso. Sir salamat sa musika ang dami kong magagandang alaala. Rest in Paradise Sir Jamir. #slapshock,” saad pa ni Arci.

Sobra rin ang lungkot nina Paulo Avelino, Jason Abalos, at marami pang iba. Naalala rin ni Paulo ang pakiki-jam niya sa Slapshock noon.

***

Lorin kinabog si Ruffa sa kaseksihan

SM food to go Banner Ad

Tila naungusan si Ruffa Gutierrez ng kanyang panganay na si Lorin sa kaseksihan. Nagbalandra nga ang dalagita ng kanyang bikini photo sa Instagram.

Hindi man nalagpasan ni Lorin ang kagandahan ng kanyang ina, pero tila lumamang ng ilang porsiyento ang una sa kaseksihan, kung ikukumpara kay Ruffa noong kadalagahan nito.

Hindi pa ganap ang pamumukadkad ni Lorin pero sa hubog ng pigura nito, kahit sinong bubuyog ay puwede na siyang aligiran. Panalo nga ang kurbada ng katawan ni Lorin.

Ngayon pa lang ay puwede mo na ngang isipin na beauty queen si Lorin.

***

Bunso ni Marjorie niregaluhan ng mga manok ni Lucy

Naaliw ang mga netizen sa ipinadalang regalo ni Ormoc City Rep. Lucy-Torres sa bunso ni Marjorie Barreto na si Erich. Kalimitan na ibinibigay sa mga bata pa na gaya ni Erich, kung hindi pet dog ay pusa, pero ang ipinadala ni Lucy ay mga manok, ha!

Pinoste ni Marjorie sa Instagram ang video na masaya si Erich nang makita ang mga manok sa kanilang garden pati na ang pink color na kulungan nito. Galing nga ng Ormoc ang mga manok.

Ayon kay Marjorie, nag-alaga na ng sisiw noon si Erich. At natuwa raw si Rep. Lucy kaya nagpadala ito ng panibagong pares ng mga manok para dagdagan ang alaga ng bata.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.