Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci umeksena sa video ni King Tomoro

0 14

Sunod-sunod ang mga Pinoy star na nabibigyan ng chance na makagawa ng mga pelikula, proyekto sa Amerika.

Matapos gumawa ng ilang project si Lovi Poe sa Los Angeles, at balitang gagawa ng isang Hollywood movie, at posible ring mapanood si Heart Evangelista sa “Bling Empire” ng Netflix, heto at nakatapos naman ng music video si Arci Muñoz, kasama ang Japanese rapper na si King Tomoro.

Binalita ni Arci ang paglabas niya sa music video ng Japanese rapper sa Instagram post nito ng larawan nila.

“@king_tomoro_6666 san! Thanks for having me in yer music video with ze @seankingston Ya know i’m rooting for ya! Good luck!” sabi ni Arci.

Si Sean Kingston ay American musician.

Pinasalamatan naman ng rapper si Arci, sa ilang mga photo posting nito sa Instagram.

Pinagmalaki pa ni King Tomoro ang collaboration nila ni Arci sa music video, ang “Let Me Hold You”.

“Famous” at “Big Actress” ang deskripsyon ng rapper kay Arci sa Japanese caption ng selfie nila.

“The shooting music video of my new sonh “Let Me Hold You”, a collaboration between me and Sean Kingston. This shoot is at the Filipino actress Arci Muñoz, who has more than 4.3 million followers on Instagram and Venice Beach, California. From Asia to Los Angeles,” sabi ni King Tomoro. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.