Una sa Balita

Arci type makahalikan sina Liza, Angel

By
0 3,349

Hiyang-hiya, at touch na touch si Arci Muñoz sa pakikitungo sa kanya ni Pio­lo Pascual. ‘Yung maka-partner nga lang daw ang ultimate leading man ay big deal na sa kanya, pero ‘yung sobrang maging mabait pa ito sa kanya, nakakalula na raw.

Hindi raw pala siya ang dapat na ka-partner ni Piolo sa teleseryeng Since I Found You ng Dreamscape, na magsisimula na sa April 16, sa ABS-CBN.

“Pero pinagtanggol niya ako. Hindi po talaga ako ang dapat, pero pinilit niya ako,” sabi ni Arci.

So, hindi ikaw ang first choice?

“First choice niya ako. Pero, may iba yatang choice ‘yung iba. Project Piolo Pascual kasi ito. Piolo soap ito. Nu’ng tinanong kung sino ang gusto niyang maka-partner, ako ang pinili niya.

“Tapos sobrang ang bait pa niya. Nilibre niya ako from Paris to Ams­terdam.

“May show kami sa Paris nu’ng Holy Week, tapos nagyaya siya, tara Amsterdam tayo. Tapos, hindi ko alam binook na niya lahat. Sobrang pati food namin siya ang gumagastos, nanlilibre. Nagulat talaga ako. Sobra talaga. sabi niya, pinaghirapan natin ito Mona (tawag ni Piolo kay Arci), kaya okey lang.

“Kaya nakikita ko na sobrang blessed niya. Kasi sobrang generous niya. Nagsi-share talaga siya ng blessings niya. Kaya love talaga siya ng lahat,” papuri pa ni Arci kay Piolo.

Anyway, bukod sa natupad na dream niya na maging leading lady ni Piolo, ang isa pa sa wish niya ay maging tomboy sa harap ng kamera.

“Naging sexy dancer na ako noon sa TV5. So, para maiba naman.”

Meaning, okey sa iyo na makipaghalikan sa kapwa babae, aktres?

“Gusto ko gumanap na lesbian. Yes, okey sa akin. Gusto ko ‘yung mga ganiyan.

“Kissing scene sa kap­wa babae. Kung okey sa kanila, okey sa akin.”

So, sino ang type mong makahalikan?

“Si Liza (Soberano) sana. Pero hindi papayag ang batang ‘yon. Pagkaganda-gandang bata noon.”

Malabo talaga ‘yon. So, sino na lang?

“Sino pa ba ang puwede? Si Angel Locsin. Gusto ko ‘yon. Wow!

“Kung puwede lang, ha!” say ni Arci.

Well, sa tingin niyo ba, may chance na matupad ang mga dream na ‘yon ni Arci?