Una sa Balita

Arci, tumodo sa ‘romansa’ kay Jericho!

By
0 5

Bongga ang taong 2016 para sa Kapamilya actress na si Arci Muñoz. Mapa-pelikula o telebisyon ay visible siya at talagang tinatangkilik ng mga tao ang ginagawa niya.

Ngayon naman, bida na siya sa primetime ng ABS-CBN, ang Magpahanggang Wakas kunsaan, first time niyang makakatambal si Jericho Rosales.

Ayon kay Arci, “I’m just really thankful for every­thing and I believe that everything’s that is happening to me right now, I believe, si Papa, gina-guide niya ko.”

Noong February ng taong ito raw namatay ang Papa niya at pagkatapos nu’n, nakita raw niya na ang ganda lahat ng takbo pagdating sa career niya.

Sey pa ni Arci, “Feel ko, alam ko, nararam­daman ko na gina-guide niya ko. At si Lord, alam ko na ­prinerepare niya lang ako sa tagal ng hinintay ko at ‘yung journey ko para maging mabuti ako sa craft ko.”

Super thankful nga si Arci lalo na sa Business Unit Head ng Maghahanggang Wakas na si Direk Ruel S. Bayani at sa director ng serye nila na si Direk F.M Reyes.

Noon pa man, all-praises na si Arci sa leading man na si Jericho Rosales na may pagkakataon pa nga raw na sa isang eksena nila, sa sobrang galing ni Echo ay napatulala lang siya at hindi niya nasabi ang linya niya.

“Kay Echo, wala akong masabi riyan, sobrang galing ni Echo and makes me work harder.

Paghuhusayan ko pa acting ko at siya yata ang pinaka-humble na artistang nakasama ko.
“Sobrang humble, sobrang galing. Pagdating ng set, babatiin niya lahat.”

Pero kung sobrang daring na niya sa Pasion de Amor, parang mas todo pa yata sila ngayon ni Echo sa bagong primetime series na mapapanood na sa September 19, pagkatapos ng Till I Met You.

Natatawang sabi naman ni Arci, “Nasa isla po kasi kami ni Echo. Opo, ganu’n… sa lahat naman ng role na ginagawa ko, basta hiningi ng character. Hindi naman siya bastos.”

Sa isang banda, ayaw naman daw niyang ma-label na sexy star basta hinihingi lang ng role o story.

“Alam ko rin naman ang limitation ko,” saad niya.