Una sa Balita

Arci super papansin sa Hollywood producer

0 712

Bilib na bilib ang mga fan sa majestic transformation ni Arci Muñoz bilang iba’t ibang karakter ng Disney Princess! Sa instagram ng aktres, ibinahagi niya ang pagiging Disney fan niya to the extend na ginagaya niya nga ang mga Disney Princess na gusto niya.

Tatlo sa mga Disney Princess ang achieve na achieve ng aktres, sina Elsa ng “Frozen,” Belle ng “Beauty and the Beast,” at Snow White!

Mukhang minimal makeup lang at wig ang aura niya pero gayang-gaya talaga!

Humanga rin sa aktres ang ilan sa kanyang mga kapwa artista.

Ipinakita pa nga ni Arci ang actual peg niya katabi ng kanyang mga litratong naka-Disney costume at talaga nga namang pasok sa banga ang aura ng aktres.

Inaasahan naman ng mga fan na mapansin si Arci ng mga international o Hollywood artist agencies dahil posible raw talaga na mangyari iyon dahil sa husay at ganda ng aktres.

May iba naman na may mga negative say pa rin dahil retoke lang umano ang mga facial feature ni Arci. Pero siyempre hindi ‘yun big deal sa mga solid supporter at gusto pa rin i-push na mag-Hollywood ang kanilang idolo!

Limitado man ang comment section ng actress, umabot pa rin ang husay nito sa iba pang social media platform dahil nga nananawagan raw ang mga fan na mabigyan ang aktres ng big break sa international showbiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy