Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci sabik sa lalake

0 167

Ramdam na ang pagkasabik kay Arci Munoz na magkadyowa. Feel na feel na nga niyang sumabak sa relasyon, lalo na at aminado naman siyang wala na siya sa kalendaryo.

Meaning, syumusyonda na siya, at mukhang inoobliga na siya ng komunidad na mag-asawa na. Pero, paano nga mag-aasawa kung wala naman dyowa.

“Yung alam mo na wala ka na sa calendario. Shakeet sa ulo besh!!” sabi I Arci, na mukhang sa yate nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Anyway, aliw at ang daming naka-relate sa caption niya sa photo na nag-iisa siya habang nagpi-fishing, o nanghuhuli ng isda.

Ikinumpara nga niya ang lovelife niya sa isda.

“Isda parang lovelife ko mailap!” ang nakakaaliw na sabi niya.

Kaloka lang na sa ganda ni Arci, wala dyowa, di ba? At di ba nga, inamin niya sa interview ko sa kanya sa presscon ng digi-film nila ni Gerald Anderson na matagal na siyang walang nayayakap na lalake, at sa pelikula o sa teleserye na lang niya nararanasan ang halikan. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.