Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci natotomboy sa alindog ni Danita

0 93

Ang laki ng ikinaseksi, iginanda ni Danita Paner ngayon, ha! Biglang-bigla, sumusugod sa Instagram niya ang mga boylet dahil sa pasabog niyang alindog.

At kahit ang mga seksing artista, napapa-‘nganga’, humahanga kay Danita. At kahit si Arci Munoz, nakakaramdam ng pagkatomboy dahil sa alingod ni Danita.

May mga komento nga si Arci sa mga photo ni Danita na nai-in love siya rito. At panay rin ang react niya sa mga photo nito na puro hot or fire.

SM food to go Banner Ad

“Still not over with your reply the other day,” sabi ni Danita kay Arci, na `yun nga, parang natotomboy ang seksing aktres sa kanya.

Well, magkaibigan na nga noon pa man sina Arci at Danita, at dinadaan nga sa biro ang paghanga nila sa isa’t isa.

Pero ano nga ba ang naganap at parang biglang nag-init ang paligid ni Danita? Bakit biglang-bigla ay pinagliliyab niya ang puson ng mga lalake, at mas matapang nga siyang magpaseksi, magpasilip ng alindog ngayon.

Well, sabi nga, kung seksi ka, pinaghirapan mo, ipakita mo! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.