Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci napagkamalang manika ng mga afam

0 46

Namalik-mata ang mga fan, lalo na `yung mga follower ni Arci Munoz na mula sa ibang bansa, dahil sa pinost niyang larawan sa kanyang Instagram.

Eh kasi nga, napagkamalan siyang manika, o buhay na Barbie Doll, dahil sa itsura niya.

Yes, super ganda, super bagay sa kanya ang kulay ng damit niya, kaya ang mga fan, panay papuri ang namutawi sa mga bibig. At kahit ang mga follower niyang foreigner, nagsabi talaga na nagulat sila dahil parang buhay na Barbie Doll nga raw ang aktres.

Panay nga ang kulit nila sa Instagram nito na gusto nilang basahin ni Arci ang mga direct message nila, dahil bet nilang kilalanin ito nang husto.

SM food to go Banner Ad

Anyway, ang mga ini-endorse talaga niyang eye-lashes, kuwintas, skin care product ang binibenta talaga ni Arci sa mga photo niyang `yon. Pero dahil nakakamangha talaga ang itsura niya ngayon, mula sa kutis, hanggang sa itsura ng mukha, mga mata, at iba pa, mas nasentro talaga sa mala-manika niyang dating.

Well, `yun din naman ang bet i-achieve ni Arci, dahil sabi nga niya sa caption at mga hashtag niya…

“Doll skin. Achieved! @dollskinph #dollskin #fromDulltoDollskin
#kutismanika #flawlessskin #DollaskinAtTwo #2ndYearAnniversary.”

Kaya kahit ang mga magagandang artista, nagsabi na wala nang iba pa ng dapat bansagang ‘Living Barbie Doll’ sa Pilipinas kundi si Arci lang.

(Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.