Una sa Balita

Arci nalibot lahat ng Disneyland sa mundo

0 411

Achieve na achieve ng rock star/actress na si Arci Muñoz na malibot halos buong mundo dahil sa kanyang pagiging fangirl sa Disney. Nakumpleto na kasi ng aktres ang kanyang Disneyland bucket list!

Meaning, napuntahan na niya ang 6 Disneyland all over the world. Sana oil talaga!

Ibinahagi ng aktres ang compilation ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang lokasyon ng Disneyland sa mundo.

“Once upon a time, there was a little princess who only dreams of going to all the Disneyland in the world… Believe in the magic! Dreams do come true,” sabi pa niya sa kanyang caption kalakip ang kanyang mga Disneyland trip picture.

Biruin niyo, nadayo niya na ang Disneyland sa Florida, California, Paris, Tokyo, Hong Kong at nito nga lang pinaka-recent ay ‘yong sa Shanghai.

Aba, talaga nga namang nakamamatay sa inggit ang pagiging adventurous ng naturang aktres. Sana oil may pera na panglibot ng Disneyland sa buong mundo. Ipinagdiwang pa nga ni Arci ang kanyang kaarawan sa Disneyland-Orlando noong January. Tila pinagpala sa babaeng lahat itong aktres na ito. Ikaw na talaga, Arci Muñoz! At sabi nga ni Vice Ganda, ‘Apakayabang mo!’ Hahahaha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy