Una sa Balita

Arci nag-Korean language para makapag-photo op sa ‘Parasite’ star

0 340

Humakot ng maraming patimpalak gaya ng Best Picture, Best Director, Best Foreign Language Film at Best Original Screenplay ang Korean movie na “Parasite” sa Oscars nitong Pebrero 10 (Lunes).

Isa sa mga cast ng pelikulang iyon ay si Song Kang-Ho na talagang hinahangaan ng local artist na si Arci Muñoz.

Hindi nagpahuli si Arci na dumalo sa naturang kaganapan para suportahan ang kanyang mga idolo.

Naabutan niya nga si Song Kang-Ho sa nasabing kaganapan at ‘di maitanggi ang pagkagalak ng aktres na makadaupang palad ang idolo niya.

Kuwento pa ni Arci sa kanyang caption sa picture nilang dalawa ng aktor, kinausap niya ito sa lengguwahe ng Korea at masaya siyang nagkaintindihan sila ng kanyang idolo dahil sinadya niya talagang mag-aral ng Korean language para sa mga hinahangaan niyang mga Korean star.

“I greeted mr. Kang-ho Song! Had a convo with him in Korean!! Oh was so glad I took my korean class!! Told him how much I love their movie!! He quickly grabbed me by the hand and introduced to ze man!! #bongjoonho and so the next photo happened! Congratulations to #parasitemovie @parasitemovie making history today at the #oscars #academyawards” sey ng aktres.

Super fangirling nga ang aktres sa lahat ng kanyang mga idolo na nakita sa Oscars lalo nga kay Song Kang-Ho.

Maski ang mismong local Korean actor-host na si Ryan Bang ay nainggit kay Arci na nakausap at nakapagpa-picture sa award-winning actor. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More