Una sa Balita

Arci matindi ang pagsamba kay Piolo

By
0 421

Halos iluklok ni Arci Muñoz sa pedestal si Piolo Pascual sa pagkaka-describe sa mga katangiang nadiskubre niya sa aktor nung magsama sila sa kakatapos pa lang na teleserye na ‘Since I Found You’ sa ABS-CBN 2.

Sa kanyang Instagram post ng wedding scene nila ni Piolo sa serye, makikita rin ang mariin nilang halikan, dinescribe ni Arci si Piolo bilang ‘bles­sing’ sa kanyang buhay.

Arci Muñoz na si Arci nang gawin niya ang serye. Meaning, estabilisado na rin ang pangalan niya.

Pero kung purihin niya si Piolo, mistulang isang santo ang Kapamilya actor. Bukod sa blessing, sinabi pa ni Arci na inspirasyon niya ang aktor, marami siyang natutunan at napakalaki ng puso nito.

Hindi na dinetalye pa ni Arci kung ano-anong mga pagkakataon at eksenang nagpa-inspire ito sa kanya pero kilala naman si Piolo ng kanyang mga nakakasama bilang professional at masarap katrabaho.

Noted din si Piolo sa pagiging humble sa lahat ng pagkakataon. Ito marahil ang tinutukoy ni Arci na ‘big heart’ ni Piolo.

Nagpapasalamat si Arci sa chance na naging leading lady siya ni Piolo. Kung walang boyfriend si Arci, sa mariin niyang quote na ‘love niya forever’ si Papa P., baka mapagkamalan ng netizen na in love siya sa aktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy