Una sa Balita

Arci laglag-panty sa sobrang kilig kay Piolo

By
0 2,200

Gabi-gabing kinakikiligan ang seryeng pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz na Since I Found You, at puring-puri ng mga netizen ang serye. Marami ang nagsasabing ang ganda ng chemistry nina Piolo at Arci, na parehong nagagampanan nang mahusay ang kanilang roles, si Piolo bilang istriktong boss at si Arci 20-year-old na practicumer.

Ang taas ng ratings ng programa para sa timeslot na ‘yon, dahil nakaka-good vibes daw kasi ito at na-miss talaga sa primetime ang love story na hindi masyadong mabigat at nakangiti ka lang habang pinapanood.

“Sobrang galing ni Arci at Piolo dito. Cute silang dalawa together. Love this, parang natural acting lang,” sabi ng YouTube user na si Jennifer Nebrida.

“Nakakakilig. Ang gwapo ni Piolo,” komento naman ni April Rose Linatoc.

Kahit ang mga kababayan natin sa ibang bansa, hindi rin mapigilan ang kilig sa mga eksena ng serye.

“Watching from Dubai. Kinikilig ako kay Papa P. Si Ms. Carmi, cute and funny pa rin. Empoy, you’re the man,” sabi naman ni Vilma Parilla.

“Wala kasing TFC channel dito sa TV ng boss ko kaya dito lang ako lagi naghihintay ng full episode. Lahat ng pinapanuod ko eh ito yung bagong inaabangan ko, nakakawala ng homesick,” kuwento naman ng isa pang YouTube user na si Cindy Micmic.

Kilig-kiligan pa ang serye ngayon dahil nagkakalapit na talaga sina Dani (Arci) at Nathan (Piolo), pero mukhang magkakagulo sila dahil si Ginno (JC De Vera) ay nakatakdang maghiganti kay Nathan dahil sa ginawa nito sa kanyang pamilya.

Sa tsikahan nga namin ni Arci noon, sinabi niya na hindi talaga niya maawat ang kilig kapag kaharap niya si Piolo, lalo na kapag mga eksenang nagtititigan sila, at sobra-sobra pa kapag nayayakap niya ang matipunong katawan ni Piolo.

Laglag-panty nga raw si Arci, ganiyan ang deskripsiyon ng mga tao sa taping nila, dahil napapahagikgik, natutulala, at natutunaw siya kapag nagpapa-cute na si Piolo sa kanya.