Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci, JM ginago mga YT subscriber

0 39

Malamang ay tuwang-tuwa si Arci Munoz dahil tagumpay ang ginawa nila ni JM de Guzman na pagpa-prank sa mga netizen.

Kasabwat talaga si JM dahil tulad ni Arci, nag-post din ito sa kanyang Instagram ng picture nilang dalawa ay may mga heart face emojis.

Siguradong masaya si Arci dahil marami silang naloko. At marami rin siyang revenue mula sa kanyang prank video. Ang daming nag-abang ng bago niyang vlog sa YouTube dahil may kalahating milyon na ang views kahit na mahigit 400 thousand pa lang ang subscribers niya.

Marami pala ang kinikilig talaga kina Arci at JM na “bestfriends” lang daw talaga. Ang daming nag-congratulate sa kanilang dalawa. Maging ang future sister-in-law ni Arci, ang totoong tumanggap ng proposal mula sa brother ng actress ay napaniwala rin noong una na si JM ang nagpu-propose kay Arci. Sey nito, “kinikilig na ko sa inyo.”

Sa totoo lang, marami namang gumagawa ng mga prank videos sa YouTube, pero bakit ito yung isa sa mga hindi nakakatuwa. In-effort-an kasi masyado na makapangloko for views and monetization.

Kaya sabi ng ilang netizens tuloy kina Arci at JM, “Ibalik niyo ang mga congratulations sa inyo, huh”

Live in na: Ellen, Derek ngayong 2021 pakakasal

Tutal ay engaged na, siguro naman ay magkakaroon ng malaking partisipasyon si Ruffa Gutierrez sa magiging kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Parehong ini-acknowledge nina Derek at Ellen si Ruffa na siyang dahilan daw talaga kung bakit natagpuan nila ang isa’t isa.

Of course, it was the “night of neighbors” na unang naintriga sina Derek at Ellen at may disclaimer pa si Ellen agad na hindi niya type si Derek.

Pero sa dinner raw pala nila, pambubuking ni G3 San Diego sa naging Instagram Live nila, kahit nakaharap pa ang Daddy ni Derek, bigla itong humirit nang, “I like your eyes” habang seryosong nagsasalita ang actor.

Sabi ni Ellen, “enabler si Ruffa.”

Sey naman ni Derek, “Thank you Ruffa! Si Ruffa talaga yung, you look good together. Who cares?! You look good together. Non-stop si Ruffa.

“And if it wasn’t for Ruffa talaga, baka hindi nangyari ‘to.”

Inamin na rin nila na nagli-live-in na sila at sa bahay na ni Derek nakatira si Ellen kasama siyempre ang anak nil ani John Lloyd Cruz na si Elias.

Katwiran ni Derek sa set-up nilang ito, “She was living with her auntie and she was going in and out of the house. Her auntie was scared. She’s going to move somewhere.

“Nag-offer ako na why don’t you stay here na lang. You’ll gonna go to taping.”

At saka nito sinundan na parang sure na raw kasi talaga sila na sila na nga talaga at mauuwi na sa kasalan.

Sey pa rin ni Derek, “Parang we know na kasi. We knew.”

February 4 raw nang maging sila. Tinanong daw ni Derek si Ellen kung pwede niya itong maging girlfriend. March 30 namang nang i-announced nila ang kanilang engagement.

Sa ngayon, wala pa raw silang final plans for the wedding. Pero si Ellen ang nagkumpirma na ngayong 2021 na sila pakakasal. May pandemic pa man o wala na.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.