Una sa Balita

Arci, Jean, Sue nilampaso ng 82-anyos na aktres

0 510

Kinabog ng 82-year-old actress na si Angie Ferro sina Jean Garcia, Sue Ramirez at Arci Muñoz nang masungkit niya ang Bes Actress award mula sa pagganap niya sa pelikulang “Lola Igna”, sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) awards night noong Linggo ng gabi, Sept. 15, na ginanap sa One Esplanade events place.

Halos lahat ay natuwa sa pagwawagi ni Angie hindi lang dahil deserved nitong manalo, kundi dahil naka-wheelchair na ang veteran actress.

Pumalakpak nang todo ang mga nabanggit na nominees na umayon sa panalo ni Angie.

Sa kanyang speech, sinabi nitong sa tagal na niya sa industry, kahit kailan ay hindi siya naging leading lady sa anumang pelikulang ginawa.

Sa theater lang siya nagiging big star sa tuwing ginagawa siyang leading lady sa kanilang play.

Pinataob naman ni Martin del Rosario ang dalawa niyang lead actors sa “Panti Sisters” nang manalo siya bilang best actor.

Lumalabas na mas magaling si Martin sa pelikula kaysa sa dalawa. Pero sa kanyang speech, ibinahagi ng Kapuso actor ang award sa lahat ng bumubuo ng kanilang movie partikular na kina Paolo Ballesteros at Christian Bables.

Si Tuesday Vargas naman ang best supporting actress mula sa pelikulang “LSS (Last Song Syndrome).

Idiniin ni Tuesday sa kanyang speech na isa siya sa pinakamagandang aktres sa balat ng showbiz nang magpasalamat sa kanyang award.

Wala si Gio Alvarez na nanalo bilang best supporting actor mula sa “I’m Ellenya L” kaya si Boy 2 Quizon ang tumanggap ng kanyang parangal.

Ang mga foreigner na sina Colorodo Rutledge at Marci Szocinski ang mga nanalo sa Best Editing at Best Cinematography respectively.

Ang pelikula ng magkasintahang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang Audience Choice. Audience Choice rin na highest grosser sa festival ang “Panti Sisters”.

Sa ilang araw mula nang ipalabas sa mga sinehan ang “PS”, humakot na ito ng P60 million.

Special Jury Prize ang “LSS” at si Tyrone Acierto ang best director mula sa “Watch Me Kill”.

Bumaha ng pagkain, inumin at magagandang ethnic entertainment ang programa ng PPP.

Melanie, ex na si Derek ‘di nagbeso-beso

Nagmistulang reunion sa dating mag-asawang sina Derek Dee at Melanie Marquez ang kakatapos lang na Miss World Philippines 2019 coronation night na naganap sa Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, Sept. 15.

Parehong sumuporta sina Melanie at Derek sa kanilang anak na si Michelle Dee, na siyang nakoronahang Miss World PH 2019.

Nilapitan ni Derek si Melanie matapos ang coronation at kinamayan niya ito.

Walang beso-besong naganap dahil parehong kasa-kasama ng dalawa ang kani-kanilang mga asawa.

Nasa event ang American husband ni Melanie at ang ilan sa kanilang mga anak. Karay-karay din ni Derek ang kanyang misis.

Tuwang-tuwa pareho sina Derek at Melanie sa pagwawagi ni Michelle, pero ang dating action star ang pinaka-tensyonado mula sa Top 20 hanggang sa i-announce na kung sino ang Miss World.

Malapit lang sa inuupuan namin ang puwesto ni Derek kaya kitang-kita namin ito.

Ilang beses kaming lumabas sa main floor ng programa at nasa labas rin si Derek na hindi talaga mapakali dahil sa tensyon para sa anak.

Sa panayam namin kay Derek, sinabi nitong mula pa nang mag-desisyon si Michelle na sumali ay sumuporta na siya sa anak.

Ai Ai pumalag sa mga copycat kay Catriona

Kinukuwestyon ni Ai Ai delas Alas ang tabas ng mga gowns na sinuot ng mga kandidata sa nakaraang Miss World Philippines 2019 coronation night.

Matapos nitong batiin ng congratulations ang winners ng pageant na pinost niya sa kanyang Instagram wall, nag-focus ito sa pagpuna sa mga gown ng mga kandidata.

Napansin ni Ai Ai na halos lahat ng mga gown na isinuot ng mga kandidata ay may slit o hiwa na nagpapalitaw ng kanilang mga legs.

Sa obserbasyon niya, ginaya ng lahat ng mga designer ang gown ni Catriona nang magwagi ito nong nakaraang taon sa Miss Universe beauty pageant.

Naging trend na raw ang paglalagay ng slit sa damit ng kandidata na sinadya para lang mailantad ang kaseksihan ng mga kandidata, ayon kay Ai Ai.

Sey pa ng Kapuso actress, may binabagayan ang ganitong tabas ng damit at kaya hindi lumulutang ang ganda ng kandidata dahil hindi bagay sa kanilang kasuotan ang slit.

Para kay Ai Ai, si Catriona lang ang nagmamay-ari ng ganitong tabas ng gown at wala nang iba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy