Una sa Balita

Arci iniwan ang pamilya dahil sa dyowang Intsik

By
0 960

Mas pinili ni Arci Muñoz na makasama ang kanyang boyfriend sa pagpasok ng 2019.

Nasa isang luxury cruise ship si Arci nu’ng mag-post siya ng mga kaganapan sa kanyang pagsalubong ng 2019. Kasama ni Arci ang kanyang Chinese businessman boyfriend sa travel na ito.

At sa isang video post nito makikitang nakahawak ng champagne glass si Arci kasama ang boyfriend habang sumisigaw ng “happy new year”.
Makikitang nag-kiss pa sina Arci at ang kanyang boyfriend matapos mag-toast ng kanilang champagne glass.

Sabi ng Kapamilya star, first time niyang malayo sa pamilya ng Bagong Taon.

“First time to spend New Years away from home, without my clan and in the middle of the ocean on a cruise ship!!! Next year sama ko na kayo, (kasunod ang pag-tag niya sa pangalan ng ilang tao),” sabi ni Arci.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Arci sa piling ng kanyang boyfriend na laging nagdadala sa kanya sa abroad at travel. So, asahang mas magiging makulay pa ang lovelife ng aktres ngayong taong ito ng 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy