Una sa Balita

Arci handa nang pakasal

0 390

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHindi na kami magtataka kung isa sa mga buwan na darating ay mababalita na lang na ikakasal na si Arci Muñoz sa kanyang non-showbiz boyfriend, ang Chinese businessman na si Anthony Ng.

Naka-tsikahan namin si Arci para sa “Abantelliling” noong Miyerkoles sa presscon ng “John En Martian” na nagtatampok rin kina Pepe Herrera at Rufa Mae Quinto, na ginanap sa ABS-CBN Studio Xperience, Trinoma Mall.

Ang “John En Martian” ay isang IWant digital movie na prinudyus ni direk Antoinette Jadaone.

Anyways, sabi sa amin ni Arci na napag-uusapan na nila ng kanyang kasintahan ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Gusto na rin raw ni Anthony na magkaroon ng mga anak dahil tumatanda na ito.

Handa naman raw si Arci na pakasal basta sa tamang panahon at sa tamang tao.

Kung sakaling alukin siya ng kasal ng kasintahang si Anthony, tinitiyak niyang sa pagkakataong ito ay may desisyon na siya.

Feeling namin, pinaghahandaan na ni Arci ang posibilidad ng kasal dahil sinabi niyang hindi naman siya atat na sumikat o magkaroon ng patong-patong na ac­ting job.

Nag-usap na sila ng kanyang management team at sinabi nitong ayaw niya ng mga “se­gue” work.

Napapagod at nagkakasakit na raw si Arci at ayaw niyang duma­ting sa point na makumpromiso ang kanyang health.

Anyways, mapapanood ang buong interview namin sa “Abantelling” kay Arci sa mga susunod na araw.

TNT Boys malayo pa ang mararating

Kahit talunan sa “The World’s Best” ang TNT Boys ng Kapamilya network, tuloy pa rin ang kanilang karera hindi lang dito sa ‘Pinas kundi maging sa abroad.

Tatlong malalaking concert ang gagawin ng TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion bago matapos ang buwang ito.

Ang mga ito ay nga­yong April 23, Chabot College Hayward California; April 25 sa The Theater, Ace Hotel, Los Angeles, California; at April 27 sa Edmonton Expo Centre, Alberta, Canada.

Ang nasabing mga show ay mula sa major concerts nila sa ‘Pinas, ang “TNT Boys, Listen” na ginanap sa Araneta Coliseum.

Naging pride ng ‘Pinas ang tatlo dahil nakapag-guest na sila sa show ni Ellen De Gene­res. Sa USA, “Little Big Shots” hosted by Steve Harvey at ang “The Late-Late Night” hosted by James Corbin, at ang paglahok nila sa “The World’s Best.”

Sa tsikahan namin sa TNT Boys, nalaman naming muntik pang magkaroon ng karaoke bonding ang tatlo kay Corbin na siya ring host ng “The World’s Best,” matapos silang mag-guest dito.

Nagkaroon lang ng conflict sa schedule ng sikat na TV host kaya hindi ito natuloy.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isip ng tatlo ang memorable experience nila kay Ariana Grande na nakasama nilang kumanta sa “Late Late Night Show.” Napa­kabait raw nito at nakatsikahan pa nila.

Kinilig at nag-fan mode naman ang TNT Boys nang makasalubong nila sa airport sa Australia si Chris Hemsworth, ang gumaganap na Thor sa Marvel series.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy