Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Arci, Gerald balik landian sa socmed

0 680

Gumagawa talaga ng paraan ang ABS-CBN na kahit sa kanilang cable channel ay hindi sila bibitiwan ng kanilang mga tagasubaybay. Sa bago nilang programa na “Love Unlock”, ibinabalik ng Kapamilya network ang mga tambalang sumikat bago pa ang pandemic.

Sasalang ngayong Sabado ang dating magkasama sa pelikula na sina Gerald Anderson at Arci Muñoz sa episode ng pinamagatang “Hook Up”.

Sa titulo na lang ay may sensual undertone na ang aasahang mapapanood kina Gerald at Arci, na mag-uusap lang sa camera o chat, at dito na iikot ang istorya ng project.

Dahil ang mga naunang pelikula nina Gerald at Arci ay sexy, walang dudang may ganitong anggulo rin sa kanilang chat. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.