Una sa Balita

Arci at dyowa, ‘nagbago’ ang relasyon!

By
Arci Muñoz
0 7

Going strong ang relasyon ni Arci Muñoz at ng kanyang boyfriend, kahit nakaapekto sa kanilang relasyon ang busy schedule niya dahil sa shooting ng Camp Sawi at bagong teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan nila ni Jericho Rosales.

Ang Camp Sawi ang pelikula ng Viva Films tungkol sa heart-broken girls na pumasok sa isang rehabilitation center para sa mga sawi sa pag-ibig.

Sa interbyu kay Arci sa last shooting day ng Camp Sawi noong Huwebes, inamin niya na may nagbago sa relasyon nila ng kanyang boyfriend pero bu­mabawi siya kapag nakakahanap ng libreng oras.

“Kapag meron akong free time, I make sure na I spend it with my loved ones, with my mom, with my sister, tapos siya (boyfriend) pero alam naman niya ‘yung priority ko ngayon kasi ang tagal ko naman itong hinintay.

“He’s very understanding naman so matagal kong hinintay (ang big break sa showbiz), dumating nga­yon so very supportive siya,” ang paliwanag ni Arci tungkol sa current situation nila ng boyfriend niya. Idinagdag ni Arci na hindi pa sila nagmamadali na magpakasal dahil mga bata pa sila.

Minsan nang naranasan ni Arci na maging sawi sa pag-ibig nang magkahiwalay sila ng first boyfriend niya at ngayong gumaganda na ang takbo ng kanyang showbiz career, hindi masabi ng dalaga kung nanghihinayang ang dating karelasyon.

“Okey naman kapag nagkikita, hi, hello..  Ala­ngan naman tanungin ko siya, ‘Oy nanghihina­yang ka ba?’

“Friends naman kami. Siyempre, hindi niya sasabihin ‘yon. Kahit sinong lalake, hindi sasabihin ‘yon. Parang hindi naman siya nanghihinayang. Parang happy naman siya, happy din naman ako eh kaya hindi ko na inaalam. Hindi ko na uungkatin pa.

“At least, may natutunan ako. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko deserved ito. Ang dami-daming la­lake diyan. Siguro, hindi siya ang meant for me,” ang kuwento ni Arci.

Si Rico Blanco ang love interest ni Arci sa Camp Sawi. Si Kean Cipriano ang original choice para gumanap na boyfriend niya sa pelikula pero hindi natuloy dahil sa busy schedule ng asawa ni Chynna Ortaleza.

Para kay Arci, perfect replacement si Rico dahil sa mahusay na pagganap nito.

“Super funny ni Rico. Sobra talaga. Ang galing niya, ang galing niyang umarte. Nagulat ako. May motivation siya. ‘Yung maigsing part niya, pinag-aralan niya na mabuti.”