Una sa Balita

Archer Robles kinapos sa world finals

0 410

PINANA ni Andrea ­Robles ang karangalang unang unang Pilipinong nakaabot sa Indoor Archery World Series Finals sa Las Vegas, ­Nevada.

Sumalo ang 21-year-old national compound archer sa 9th spot sa paghanay sa elite 16 na nakapasok sa grand finals women’s division.

Pero nabigo ang 2019 SEA Games compound team event bronze me­dalist sa kanyang unang laban sa Olympic round kontra world record holder Ella Gibson ng Britain, 147-145.

Nakalamang si Robles isang puntos sa 3rd end, pero naitabla ni Gibson ang iskor sa 4th at sa pagpapatuloy ng laban ay nakuha ng huli ang panalo.

Masaya na si Robles sa kanyang performance dahil nakarating sa ­Finals.

Bago ang Finals, nagpakitang gilas si Robles sa Vegas Shoot, ang last leg ng World Series, nagrehistro ng 592 points sa possible 600 points sa 60-arrow 18-meter ranking round.

Nasa eight place sa Qualifying round si Robles bago ang OR, nakalikom siya ng puntos sa Vegas Shoot sa nakaraang buwan sa Sydney Leg at at Macau Leg noong November. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More