Una sa Balita

Archdiocese sa US kinasuhan ng minanyak na Pinay

0 511

SINAMPAHAN ng kaso ng isang 34-anyos na Pinay ang Archdiocese of Los Angeles sa US sa sinapit niyang pangmomolestiya.

Walong taong gulang lang daw noon si Aimee Galicia-Torres nang molestiyahin ng Pilipinong pari na si Father Honesto Bismonte sa bahay ng kanyang tiyahin na tumagal ng apat na taon, ayon sa ABS-CBN report.

Nagkaroon aniya ng kapabayaan ang Archdiocese of LA dahil batid umano ng mga ito ang ginawa ni Bismonte pero may naganap na cover-up para sa salarin.

Natanggal na umano ang bigat na nararamdaman ni Galicia-Torres dahil naisuplong na niya ang kanyang abuser.

Naordinahan si Bismonte noong 1954 sa Pilipinas at nagtungo sa California noong 1981. Naglingkod siya sa mga simbahan sa Los Angeles, Gardena at Pomona.

Taong 2002, nasipa siya sa ministeryo matapos arestuhin at kasuhan dahil sa pangmomolestiya sa dalawang batang babae ng mahigit 50 beses. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy