Una sa Balita

Arbitral ruling sa WPS, 1 taon na!

By
0 98

“A year after the ruling of the PCA (Permanent Court of Arbitration) at The Hague, the Philippines and China are now in dialogue.”

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Ernesto Abella nang hingan ng reaksyon sa press briefing sa Malacañang kahapon patungkol sa unang taong ani­bersaryo nang ilabas ng Permanent Court of Arbitration ang ruling pabor sa Pilipinas patungkol sa territorial dispute sa pagitan ng China.

Binanggit ni Abella na noong Mayo 2017 ay i­dinaos ang unang pulong sa pagitan ng PHL at China o ang “Philippines-China Bilateral Consultation Me­chanism on the South China Sea.”

“Both sides reiterating their commitment to coope­rate and to find ways to strengthen the trust and confidence on issues related to WPS (West Philippine Sea). The Philippines and China have reviewed their experience on the West Philippine Sea issue, exchanged views on the current issues of concern to either side, and they have agreed that they will further discuss mutually acceptable approaches to deal with them…and they have agreed that the next meeting should be in the half… second half of 2017,” paliwanag ni Abella.

Tiniyak din ni Abella na sa muling pag-uusap ng China at PHL ay matatalakay ang iba’t ibang mga isyu gaya ng mga problema na kinakaharap at dinaranas na pangha-harass ng mga mangingisdang Pinoy sa mga pinang-aagawang teritoryo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy