Una sa Balita

Aray ko po! Pinakamasaklap na olat ni LeBron pinalasap ng Pacers

By
0 513

KAHIT si LeBron James, walang nagawa para pigilin ang Indiana Pacers, Martes ng gabi.

Umiskor si Bojan Bogdanovic ng 24 at pinantayan ng Pacers ang NBA franchise-record na 19 made 3-pointers sa 136-94 blowout win sa Los Angeles Lakers.

Bumalik mula sa pahinga si James para lang matikman ang pinakamalaking tambakang talo ng kanyang 16-year career.
“They scored 33 points off our 19 turnovers and that was from the beginning of the game. We can’t play from behind like that,” suma ni James. “I think it (jet lag) hit us.”

Dalawang beses nang natambakan ng 36 si James – kontra Washington noong April 2008, at sa 2013 NBA Finals kontra San Antonio.

Galing lahat kay Bogdanovic ang puntos ng Indiana sa 10-2 spurt na nagpasimula sa laro at hindi na nakarekober ang Lakers. Tumapos si Myles Turner ng 22 points, may 12 points, 11 rebounds at 8 assists si Thaddeus Young sa Pacers na dumistansiya ng hanggang 46.

Nang ilabas si James 2:06 pa sa third quarter, hindi na ibinalik ni coach Luke Walton ang kanyang four-time MVP.

Sablay ang unang limang tira ni James at may limang turnovers din sa first half at tumapos ng 18 points, 9 assists, 7 rebounds at 6 turnovers. Umayuda ng 16 points si JaVale McGee sa LA.

Wala pa rin sa Lakers sina Lonzo Ball (sprained left ankle) at Josh Hart (left patella tendinitis).

“There are a million excuses that we could come up with – the travel, first game coming across the country, all the trade rumors and everything else,” salo ni Walton. “The bottom line is we’ve got to be better and we will.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy