Aray forever!

By

Alam mo yung hugot line sa Popoy-Basha movie na “Bat hindi mo sinabi na ganto kasaket? Ang saket-saket, Poy!”

Hanggang ngayon buhos pa rin ang iyak ko dyan Mr. X. Bat nga ba ang saket-saket? Hindi ako maka-move on. Lahat naman ginagawa ko.

Binura ko na number nya sa fone ko. Sinunog lahat ng letters, gifts, pictures, lahat na. Lahat din ng txts sa fone ko, yung posts sa FB ko, ay delete kung delete. Me mga common friends pa na inunfriend ko.

Sabe pag ganun madali na makaka-move on. Weeeh! Di rin!

Tanungin mo ilang taon na kameng wala. Mag-tu-2 years na. Pero wala, ang saket-saket pa rin.

Eto ngang after Christmas, nagpalet nako ng number. Para lang wala na talagang communication. Kase bumati pa sya nung Pasko. Sana daw okey ako! E g*go nga! Pano kong ok e sinaktan nya ko. Pinagpalet sa iba.

Nagkakasalubong pa kame sa school. Tama ba ‘yun? In my face na sweet sila!!!

Super orocan na nga ako sa mga friends e. Smile lang ng fake pag nagtatanong sila kung ok lang ako everytym na lang na me awkward moment.

Ulet-ulet na lang nga ang payo. Bingi na ko! Kesyo “Friend, kaya mo yan!” “Ay, Sis ikaw lang makakatulong sa sarili mo.” Meron pang, “Ang heartache, love din ang sagot noh! Mag-boyfriend ka na kase. Tagal-tagal na kaya!”

Parang t*nga lang! Sino kaya me gusto na ganto ko?? Syempre yoko neto. Kung pwede lang mag-mega time travel o kaya… basta yung paggising ko bukas, ok nako. As in super ok na talaga. Hinde yung sabe ko lang para tumahimik mga friends o kaya para i-convince sarili ko na okey na nga talaga ko.

Mr. X, gusto ko lang me makwentuhan na iba. Para na kase kong sirang plaka. Kahit ako, inis na sa sarili ko eh.

Bat ba ganto? Umiiyak pa rin ako minsan sa gabi. Galit talaga ako sa kanya. Hate na hate ko mukha nya. Name nya. Miski ano hate ko sa kanya. Gusto ko, yung saket na pinaramdam nya saken, maramdaman nya rin. Gusto ko saken nya maramdaman.

Yung iiyak sya. Magmamakaawa na alisin ko na yung saket na nafi-feel nya. Kase ganun ginawa nya saken e.

Bat ganun, Mr. X. Maayos naman ako nung kame. Naka-one year din kame. Lahat ginawa ko. Pinakita ko talaga na love ko sya. Bat tumingin pa sya sa iba?

Para lang talagang Popoy-Basha yung first movie. Maka-move on lang ako, tsura lang nya. G*go sya!

Sori po. Kababawan lang. Salamat sa taym!

Ampalaya me

*****

Dear Ampalaya me,

Dama ko sa sulat mo na talagang ‘in pain’ ka pa. May katagalan na nga na wala na kayo ng ex mo, pero ang totoo kasi, wala sa kung ilang araw, ilang buwan o taon bago maghilom ang sugat ng puso.

Sigurado ako na hindi lang ikaw ang dumanas ng ganyan kasakit na breakup. Babae man o lalaki, sa tingin ko ay parehas lang ang sakit. Nagkakaiba lang sa pagdadala.

Malaki ang kinalaman ng personalidad sa bilis o tagal ng pag-move on. Kung character mo ang nagtatanim ng galit, asahan na talagang bibilang ng mahabang panahon bago makalimot at tuluyang maging masaya sa kasalukuyan.

Kadalasang madaling maka-move on ang mga taong ‘easy go lucky’ o iyong sige na lang kahit anong dumating at mawala, ayos lang. Hindi nila masyadong pinoproblema iyong natapos na.

Sa totoo lang, walang iisang formula kung paano makaka-move on. Kahit ang pag-alis ng sakit sa puso, hindi yan nakukuha ng isang iglap. Walang magic dyan. Walang orasyon.

Ikaw lang mismo ang makakadiskubre kung paano ka makakawala sa kinalalagyan mong sakit.

Pero para sa akin, ang unang-unang hakbang tungo sa paglimot ay ang acceptance. Tanggapin na wala na kayo at isipin na hindi na siya babalik dahil meron na siyang iba. Kahit pa mahal mo pa rin siya, ikaw na lang yun. Hindi na siya magiging kaparte ng pagmamahal na yan.

Pero syempre, idi-deny mo yan dahil ang alam mong nararamdaman mo lang sa kanya ay hatred. Okay lang din na maramdaman mo yan.

Normal na normal yan.

Kapag natanggap mo na sa sarili mo na talagang sarado na ang pintuan para sa inyong dalawa, magiging mas madali ang pagpapatawad.

mposible ang paglimot kung puno ng galit at lalo na ng awa sa sarili ang iyong puso.

Para kang isang lalagyan na nagkikimkim ng asido. Walang ibang nasisira ang asido kundi ikaw na mismong lalagyan nito.

Hinay-hinay. Gawin mong one step at a time. Darating ang araw, mangyayari ang gusto mo sa buhay mo. Importante lang ay huwag mo nang linungin ulit kung anuman kayo noon.

Bahagi na lang yan ng isang alaala.

Mr. X


SHARE