Una sa Balita

Araw ng pagluluksa idineklara sa Sri Lanka

0 187

DAHIL sa paglobo ng bilang ng mga nasawi sa serye ng pagpapasabog sa Sri Lanka noong Easter Sunday ay idineklara ang ‘day of mourning’.

Sa pinakahuling ulat, halos 300 na ang kinumpirmang patay habang mahigit 500 naman ang sugatan bukod pa sa mga naiulat na nawawala.

Ilang araw naman matapos ang pagsabog ay nagsilikas ang mga re­sidente sa Colombo kung saan nangyari ang pagpapasabog sa takot na maulit ang karahasan.

Puspusan pa rin naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa Colombo para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Bagama’t wala pang umaako sa nangyaring atake ay may mga ulat na isang religious attack ang nangyari dahil halos lahat ng mga namatay ay Kristiyano at isinabay sa selebrasyon ng Easter Sunday ang pagpapasabog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy