Una sa Balita

Araw ng mga Bayani

By
0 109

Ipinagdiriwang po ngayong ika-27 ng Agosto ang Araw ng mga Bayani bilang paggunita sa mga dakilang Pilipinong nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan ng ating bayan.

Inspirasyon po para sa kasalukuyang he­nerasyon ng mga Filipino ang katapangang i­pinamalas ng ating mga bayani laban sa mga mananakop.

Tulad nina Bonifacio, Rizal at del Pilar, ang tapang, gayundin po ang sipag at talino, ang ipinapamalas din ngayon ng ating mga manggagawa lalo na po iyong tinaguriang ‘bagong bayani’ o mga OFW.

Saludo po tayo sa mga unang Filipinong tumatak sa kasaysayan lalo na noong panahon ng rebolusyon at digmaan at nagpalalim ng ating pambansang pagkakakilanlan.

Perehong pag-respeto po ang nais nating ibigay sa ating kababayang lumalaban araw-araw para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Kahapon, nagdaos po tayo ng forum sa Hong Kong para sa ating mga OFW kung saan kitang-kita po natin ang kanilang sakripisyo at kabayanihan para iangat ang buhay ng kanilang naiwang pamil­ya dito sa Pilipinas.

Sa nakaraang Jobs Jobs Jobs Caravan noong Agosto 12, marami pong aplikante ang agad nabigyan ng trabaho o hired-on-the-spot (HOTS) tulad nina Sanny Belarmino at Ace Renial na kapwa natanggap agad sa Aboitiz Equity ­Ventures.

Nabigyan din po agad ng trabaho ang mga dating OFW sa Saudi na sina Ale­xander Manalaysay at Rolan Morilla bilang mason at supervisor sa EEI Corporation.

Bilang pagkilala po sa nakapakaha­lagang gampanin ng mga manggagawa, ang ating mga bagong bayani, sinikap po na­ting maipasa ang Occupational Safety and Health Standards na ngayon ay isa na pong ganap na batas, ang Republic Act 11058.

Mahalaga po ang bagong batas na ito upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay sa mga pagawaan ng mga Filipinong kuma­kayod para sa kanilang pamilya.

Mas magiging makabuluhan po ang paggunita sa Araw ng mga Bayani kung aalala­hanin ang ipinag­laban ng ating mga ninuno noon na pag-aangat ng dignidad sa la­hing Filipino na tunay na nararanasan ng ating kababayan ngayon.

Job Fair Schedule

August 27 – GenSan Big Job Fair; PESO LGU; General Santos City

August 28 – ALS Job Fair; LGU Koronadal Thru ALS City Schools Division; KCC Mall of Marbel, Koronadal City.