Una sa Balita

Araw ng Kagitingan

By
0 319

Ngayong araw, ginugunita ng buong bansa ang ika-76 na taon ng kagi­tingan ng mga bete­ranong nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bagama’t sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan ang ­sentro ng pagdiriwang, hinihikayat po ang lahat ng mga Filipinong makiisa, dahilan kung bakit tinalagang National Holiday ang ika-9 ng Abril sa bisa ng Batas Republika 3022.

Nawa’y makapulot po tayo ng inspirasyon sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ng mga war veteran ng WW II lalo na sa halos 20,000 sundalong nabubuhay pa sa kasalukuyan gayundin sa lahat ng mga beterano ng ating Hukbong Sandatahan.
Subalit ang pag-alala natin sa ‘di matatawarang sakripisyo ng mga beterano ay kailangan din pong tapatan ng ibayong pagsisikap upang maibigay ang sapat na pag-aalaga sa kanila.

Kaya’t kinikilala po natin ang inisyatiba ng Veterans Memorial Me­dical Center (VMMC), ang ospital para sa mga beterano, na mas palawakin pa ang kanilang serbisyo medikal.

Ngayon, may bago na itong eye center, isinagawa rin ang renobasyon ng Operating Room Comp­lex at ICU, at pinalawak pa ang iba’t ibang serbis­yo tulad ng Renal Dialy­sis Unit. Siniguro ring lib­reng makakapagpagamot ang mga beterano at kanilang pamilya sa mga pampubliko at pribadong PVAO-accredited hospital sa buong Pilipinas.

Upang magpatuloy ito, igigiit po natin ang dagdag na budget sa VMMC sa susunod na taon. Kailangan po ito para makapangalap ng sapat na bilang ng medical staff ang ospital. Sa nga­yon, kulang po ang mga manggagawa sa VMMC batay sa staffing standard para sa isang tertiary hospital na may 766-bed capacity gaya ng VMMC.

Sinusuportahan din po natin ang mga panukalang batas sa Senado tulad ng Senate Bill No. 621 at SBN 1192 para sa modernisasyon at rehabilitasyon ng VMMC at upang mabigyan ito ng tinatawag na ‘juridical personality’ nang sa gayon, lalong mapalakas ang ospital sa pagseserbisyo sa ating mga war veteran at kanilang mga dependent.

Dahil naman po sa pagtaas ng mga bilihin, napapanahon na pong dagdagan ang monthly pension ng mga beterano kaya’t magsusumite po tayo sa Senado ng panukalang batas upang dagdagan o itaas ng P3,000 o higit pa ang kasaluku­yang pension na kanilang tinatanggap.

Tunay, marami po tayong mapupulot na inspirasyon sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga beterano. Para sa ating mga manggagawa, pagkakataon po ito para gumugol ng sandali kasama ang pamilya.

Ibahagi po natin sa ating mga anak, lalo na sa mga kabataan, na gaya ng mga beterano, kaila­ngan nilang mamulat sa halaga ng masidhing pag-ibig sa bayan sapagkat ito ang magdadala ng tunay na pagbabago sa ating minamahal na bansa.
Job Fair Schedule

Gawagaway Yan Festival Job Fair

SM City Cauayan, Isa­bela
April 9

Local Job Fair
Cebu City Sports Complex
April 9

Job Fair & One Stop Shop
STI College Baliuag Gymnasium
Baliuag, Bulacan
April 10

Sorsogon State College Job Fair
Sorsogon State College Covered Court
Sorsogon City
April 11

Peso Cebu City Job Fair
Brgy. Guadalupe, Cebu City
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)