Una sa Balita

Araw naman ng mga Tatay

By
0 1,443

Nanonood ako ng balita sa TV… tapos lumabas ‘yung video clip ng ABS-CBN tungkol sa Father’s Day. Ganda ng kuwento, magaling ‘yung gumawa.

Nag-feature sila ng isang tatay na multi-tasking. Trabaho niya ay payaso, nagpapatawa. Tapos sideline niya ay mason, naghahalo ng semento… minsan extra siya bilang waiter, minsan magician sa party. Tapos minsan pedicab driver. Hindi niya iniinda ang pagod. 4 yata ‘yung anak niya na kailangan palakihin.

Tapos ‘di niya alam na may hinahanda na pala ang ABS-CBN para sa kanya. Ang sabi lang, may documentary na gagawin tungkol sa trabaho niya kaya kailangan niyang sumama sa studio na suot na ang costume bilang clown.

Abante Hiring – IT dep

Excited siyang gumayak. Tapos ‘yung next na eksena, papasok na siya sa studio sakay ng isang van tapos dadalhin siya sa garden. Du’n magugulat siya dahil makikita niya ang buong pamil­ya niyang nakangiting nag-aantay sa kanya… suot din nila eh mga payaso costume at may handa sila para sa kanya dahil Father’s Day.

Ang sarap panoorin, antig puso. Kung tutuusin, buong taon, nagbabanat siya ng buto para mairaos ang pamilya. Wala siyang reklamo sa bigat ng trabaho. Tapos isang araw, ang pamilya naman ang gagawa ng sorpresa para sa kanya.

Naiyak ‘yung tatay. Sabi niya, sanay siyang nagpapasaya ng mga tao pero ngayon siya naman ang pinasaya ng mga mahal niya sa buhay.

‘Wag nating palagpasin ang darating na Linggo na hindi man lang nakabati sa ating mga tatay at kapwa tatay.

Hindi man nila pinapakita ang pagi­ging sabik sa ganitong okasyon, tumataba ang puso nila ‘pag nakaramdam ng importansiya at pagmamahal galing sa pamilya.

Bigyang-pugay natin ang haligi ng ating mga tahanan… Happy Father’s Day sa lahat ng mga tatay!