Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Araos tinadyakan ginto sa Vietnam

0 53

HANOI, Vietnam — Sinandalan ni Gina Iniong-Araos ang maraming pinupukol na negatibong huwag nang lumaban dahil na-caesarian sa panangangak sa magdadalawang taon nang anak na si Janna Rose.

“Naging challenge sa akin ang mga negative comment ng marami na kesyo ‘ano ba ‘yan nanganak at caesarian lalaban pa, ba’t ‘di na lang alaagan ang anak?’” maluha-luhang bulalas ng 32-taong-gulang at tubong Baguio ilang minuto pagkaraang putulin ang apat na kuwestiyonabaleng talo ng mga kasamahan upang makopo ang medalyang ginto sa 31st Southeast Asian Games 2022 kickboxing women’s low kick 60-kilogram Biyernes ng gabi.

Ineskapuhan niya sa mga takmau na mala-kidlat na mga bitaw ng kamao si Jaiteang Waraporn ng Thailand 2-1 sa Bac Ninh City Gymnasium at duplikahin ang tagumpay ng sa Philippines 2019 SEA Games 55kgs kick light.

Pero ‘di pa natatapos ang misyon ni Iniong-Araos dito sa pagtangkilik ng Philippine Sports Commission dahil nakatakda pa aniya siyang makipagsapalaran sa pangalawang gold sa isang event ng vovinam.

Related Posts

Bronze winners sina Malaysian Hayatun Najihin Radzuan at Thi Hoan Din ng host country sa dinagsang gym kahit inulan, na 54-kilometro mula sa kabisera ng Vietnam.

Walang takot ding nakipagsabayan sa mas mataas din sa kanya ang nagpakawala ng mga solidong punch at kick si Jean Claude Saclag at 2-1 desisyon din kay Thai Chaleamlap Santidongsakum sa men’s low kick 63.5kgs para sa pangalawang ginto ng Pinoy kickboxers na pinanood nina Philippine Olympic Committee President Abaraham Tolentino, at PSC Commissioner at Team PH Chef-De-Mission Ramon Fernandez.

Bago nakakambal na ginto ang bansa, nakuntento sa mga silver sina Renalyn Daquel, Gretel De Paz, Zephania Ngaya at Claudine Veloso sa mga kaduda-dudang mga 3-0 olats olats sa magkakaibang mga karibal. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.