Una sa Balita

Araneta: 17-under tournament sisipa

0 292

KATUWANG ang isang malaking global brand sa professional football league sa susunod na tatlong taon, nangako si Philippine Football Fede­ration President Mariano ‘Nonong’ Araneta ng marami pang programa na mapapakinabangan ng mga age-group player sa darating na panahon.

Ayon kay Araneta, ang napipintong pagsuporta ng Qatar Airways sa Philippines Football League ay magiging mala­king tulong sa PFF sa pagsasagawa ng national Under-17 tournament simula sa 2020.

“We want to start the Under-17 tournament next year,” ani Araneta, na sinabing sinimulan na rin ng PFF ang national Under-15 tournament ngayong taon at na sa final stage na.

“We really have a lot of football activities coming in and I want to see that this is being implemented properly. We are not neglecting players in the age-group level. In fact, we have been revitalizing our grassroots program to find more homegrown talents in the country.”

Bukod sa national Under-17 tournament, sinabi rin ni Araneta na magsasagawa rin ang PFF ng Under-16 at Under-18 regional tournament para sa mga babae bilang bahagi naman ng programa sa pag-develop pa ng women’s football.

Umaasa ang PFF chief na ang mga torneong ito ay magpapalakas pa sa mga performance ng mga age-group team sa mga paparating na international tournament.

Pakay ni Araneta ang panibagong termino bilang PFF president sa paparating na eleksiyon sa Nob. 29. Mayroon na siyang suporta mula sa 25 sa 32 regional football association representatives nang mag-anunsiyo siya ng kanyang kandidatura sa Bacolod City, ang hometown ng isa pang presidential hopeful na si Ricky Yanson.

Sa kanyang walong taon bilang top football executive, inangat ni Araneta ang men and women’s national team sa highest FIFA ranking. Kinilala rin ang PFF ng Asian Football Confederation nang tatlong beses para sa mga grassroots programs nito.

“Qatar Airways is a global brand and hopefully we have local brands that will join the sponsorship,” saad ni Araneta.

“There are still a lot of ways to improve the league. The sponsorship really allows the fede­ration And aside from that, some money will go into the federation wherein we can spend also the league for other programs.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy