Una sa Balita

Aragones kampeon sa Youth Rapid Chess

0 320

NANGIBABAW si University of Perpetual Help System DALTA top player Jerome Adrian Aragones sa katatapos lang na BATCH-CEFAG Youth U-16 1950 Rapid Chess Championship kamakailan sa Waltermart sa Taytay, Rizal.

Kumolekta si Aragones ng 9.5 points para makopo ang titulo, isang puntos ang kalamangan kay solo second place Mckertzee Gelua ng Muzon National High School na may 8.5 puntos.

Kasalo naman ni Emmanuel Barbosa ng Casimiro A. Ynares Sr. Memorial National High School sa third at fourth si John Marc Pescador ng Kapt. Eddie T. Reyes Integrated School matapos kapwa makaipon ng tig-8 puntos habang fifth place naman si Heina Dynamica Ruiz ng St. Uriel Academy na may 7.5 points.

Ang 1-day event ay suportado nina sportsman Eduardo ‘Ed’ Madrid, Gov/Gen Louie Ticman ng Rublou Group of Companies at national arbiter Boyet Tardecilla.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More