Una sa Balita

Ara sinugod ng misis ng politiko

By
0 4,229

Hindi pa rin nagsasalita si Ara Mina, o nagbibigay pahayag kaugnay ng tsismis na umano ay nabuking ito ng mismong asawa ng isang mayor na kanya umanong karelasyon sa ngayon.

Kalat na kalat nga ang tsismis na naganap daw sa isang event pero wala ni isa mang nagkukuwento ng mga pangyayari right after na i-confront umano ng nakabuking na misis si Ara sa isang CR.

“Hindi kaya lumang event na iyan?” ang tanong sa amin ng isang kaibigan.

“Ang narinig naming tsismis, kinuyog si Ara ng ilang mga misis ng mga may puwesto sa isang food truck dahil hindi lang niya kinarir ang pagpuwesto sa bungad, kundi may mga mister pa yata siyang gustong karerin.”

Diumano, ginamit daw ni Ara ang kanyang PR skills para kumbinsihin ang may-ari ng food truck na ibigay sa kanya ang bungad na mga puwesto dahil siya ang

bahalang mag-PR ng lugar by bringing in celebrity friends.

Bukod daw sa ginaya ni Ara ang mga paninda nu’ng meron nang puwesto, hindi naman daw ito nag-deliver at ni isang celebrity friend ay wala itong nadala.

At ang bonggang tsismis pa nga, pati raw ang ibang mister ng mga negosyanteng misis ay nais umano nitong karerin?

Nakakaloka, pero bakit parang lagi na lang yatang nang-aagaw ng lalaki ang eksena ni Ara? True kaya ito?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy