Una sa Balita

Ara nagtaka sa hiwalayan nina Cristine, Ali

By
0 3,639

Maging si Ara Mina ay ayaw kumpirmahin kung totoong hiwalay na sina Cristine Reyes at ang asawa nitong si Ali Khatibi. Ayon kay Ara, nag-post lang naman daw ang kanyang sisteret na ipagdasal siya at pagkatapos nito ay kung ano-ano nang speculations ang lumabas sa socmed.

May nagsasabi pa nga raw na mag-aapat na buwan na raw itong hiwalay na maging si Ara ay nagtataka kung paano lumabas ang ganitong tsika.

Lagi naman daw silang magkasama ni Cristine at wala naman silang napapag-uusapan tungkol sa hiwalayan blues at okey naman daw ito.

Knowing her sisteret na very transparent, mahahalata naman daw niya kung may pinagdadaanan ito.

Hindi naman ito nagsasalita sa kanya, kaya ayaw naman niyang pangunahan ang kanyang kapatid.

Tungkol naman sa sinasabing hindi na raw kasi nagpo-post ng couple pic si Cristine kaya mas lumala ang tsismis, dinipensahan naman niya ito.

Sabi niya, masyado raw kasing busy si AA (palayaw ni Cristine) dahil may ginagawa itong movie at may action movie pa itong gagawin, kaya tamad itong mag-post.

Anyway, kung ano man ang totoo, for sure naman ay hindi rin tatagal at lalabas din naman ang truth, and nothing but the truth.

‘Yun na!