Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ara nagpatapyas ng boobs

0 234

Marami ang nakapansin na sa grand wedding nina Ara Mina at Dave Almarinez (president and CEO of the Philippine International Trading Corporation or PITC, with the rank of undersecretary) ang pagpayat niya.

Pero marami rin ang nagtaka na parang lumiit ang kanyang boobs. Parang sakto lang daw sa katawan niya ‘yon ngayon. Nagpabawas daw ba ng dibdib si Hazel (palayaw ni Ara)?

Ano sa tingin mo, my dear editor, Dondon, at mga reader?

Ay, teka, i heard, tatakbo raw ang asawa ni Ara bilang congressman sa San Pedro, Laguna na kanyang hometown. True ba?

Alam ko, naging provincial board member of Laguna na siya noon, kaya why not run again next year, devah?

Aktor nagwawala pag lasing

Nakow! Mahulaan niyo kaya kung sino itong aktor na hindi raw talaga pumupunta sa mga bar, kahit noong mga panahong waley pang pandemya, dahil ‘pag nakarami na raw ng inom ng nyolak ay may tendency umano na biglang magwala ito for some reason!

Kaya naman daw si actor, producer and director rolled into one ay sa balur na lang niya shuma-shot since maganda naman daw ang ambience doon o ‘di kaya ay social drinking lang eksena niya kung may okasyon na ginaganap sa isang resto kasama ang mga katrabaho niyang kapwa niya artista sa proyekto.

Magaling siyang umarte, kahit may iba na nauumay na raw sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.