Una sa Balita

Ara Mina hindi inabuso ni Deborah Sun

By
0 662

May ginintuang puso talaga si Ara Mina dahil hindi siya nagdalawang-isip sa pagkupkop sa veteran character actress na si Deborah Sun. Tatlong taon na palang nakatira sa isang condo unit ni Ara si Deborah simula nu’ng mapalayas daw ang aktres sa inuupahan nitong apartment.

Wala raw itong mapuntahan kaya inalok ni Ara na tumira ito sa isang condo unit niya sa Cubao, Quezon City.

“Ang sa akin lang naman, kung sino ang kailangan ng tulong, ibigay natin iyon.

“Tinutulungan ko naman makabangon si Tita Debs. Kapag may mga nakakasalubong na mga kilala kong EP (Executive Producer) ng mga TV shows, sina-suggest ko si Tita Debs.

“Malaki naman ang pinagbago niya at gusto lang niya at magkaroon ng maayos na trabaho. Tayo naman sa industriya, dapat nagtutulungan, ‘di ba? Wala namang masama sa tumulong tayo sa kapwa artista natin,” sabi ni Ara.

Marami nga ang natuwa sa ginawang ito ni Ara kaya naman maraming blessings itong natatanggap.

“Actually, hindi ko naman kinukuwento ‘yan. Ayokong may magsabi na… Alam mo naman ang ibang tao, ‘di ba? Pero si Tita Debs ang nagkukuwento. Nakakatuwa naman na she’s very grateful sa binigay kong tulong sa kanya.

“In fairness naman to Tita Debs, hindi siya abusadang tao. Nagpapadala siya sa akin ng mga text messages thanking me sa lahat ng ginawa ko for her. Ako naman, doon pa lang masaya na ako.

“Kinukumusta ko naman ang lagay niya sa condo. Maliit lang naman ‘yung unit kaya lagi kong sinasabi kay Tita Debs na pagpasensyahan na niya ‘yung space kasi iyon lang ang mao-offer ko sa kanya.

“Pero okey lang si Tita Debs doon. Sob­ra-sobra na raw ‘yung tulong ko sa kanya na patirahin ko siya roon,” sey ni Ara.

Plano palang ibenta ni Ara ang naturang condo unit, pero dahil sa pagtulong niya kay Deborah, pinagpaliban muna niya ang planong iyon at pina­tira roon ang aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy