Una sa Balita

Ara maangas pa rin ang kaseksihan, kagandahan

0 639

Game na game ang award-winning sexy actress na si Ara Mina nang mag-guest sa masayang online show ng Abante, ang “Abantell­iling” ng tandem nina Dondon Sermino at Rey Pumaloy.

Nagsimula ang career ni Ara sa “That’s Entertainment” ni German ‘Kuya Germs’ Moreno at nakilala sa larangan ng pagpapaseksi.

Maituturing ngang multi-talented ang voluptuous actress dahil marunong kumanta, magaling umarte kaya naman tumanggap na rin siya ng maraming parangal at nominasyon sa akting.

Bukod sa pagiging active sa showbiz, isa rin siyang entrepreneur. Ang ilan sa mga pinagkakaabalahan niya ay ang Hazelberry, na nag-e-expand na ngayong pastry business niya, may mina-manage rin siyang restaurant, may sariling beauty products, ang Ara’s Secret at ang kaka-launch lang na Ara’s Shoes.

Dahil lumalawak na ang kanya business, ang Hazelberry, nagko-concentrate siya dito kaya wala umano siyang time magka-boyfriend.

“Priority ko ang business ko. I wanna settle this first dahil nag-e-expand ang Hazelberry. May nag-a-ask ng dinner pero ‘di ko sila mapagbig­yan…pero next year siguro bibig­yan ko ng konting time. I’m not getting any younger, I need to choose the right one kasi kung magbo-boyfriend ako gusto ko ‘yun na ‘yung mapapangasawa ko,” paliwanag niya.

Madalas mang mauwi sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon niya pero patuloy pa rin siyang umaasa na sana nga ay maka­tagpo rin ng taong magmamahal sa kanya nang totoo.

Hindi maikakaila na malakas ang appeal ng seksing ­aktres. Sa katunayan, marami na si­yang naging karelasyon. Sa showbiz, ang ilan dito ay sina Keempee De Leon, Jomari Yllana at Polo Ravales.

Natanong si Ara kung open ba siya kung ligawan siya ng bisexual kung ito naman ay magmamahal ng totoo sa kanya. Ina­min din ni Ara na minsan din siyang niligawan ng bisexual.

“May nanligaw sa akin hindi ko na babanggitin kung sino pero matagal na mga 10 years ago, artista…gusto pa nga niya akong dalhin sa ibang bansa para ipakilala sa parents niya…tapos nabalitaan ko out na siya,” pagbubulgar niya.

Nanghinayang ba siya?
“Hindi naman…gwapo siya… hahaha.”
Aba, maangas talaga ang ganda ni Ara dahil pati iba’t ibang gender e nasisilo sa kanya.

***

Sasabak sa 2022 election

Meanwhile, ayaw ni Ara na makialam sa sitwasyon ng ­kapatid na si Cristine Reyes na dumadaan sa problema ngayon sa asawang si Ali Khatibi. Hayaan na lamang umano nito na tahimik na harapin ang problema.

“To my sister, she’s old enough to ­decide for herself. Hindi ako nangingi­alam basta kung ano ‘yung tama. Ina-accept naman niya ‘yung advices ko.”

May plano sana si Ara na muling tumakbo next year subalit dahil sa pag-click ng kanyang business na kaila­ngan niyang pagtuunan ng pansin kaya nag-decide siyang isantabi muna ito. Pero ayon sa Kapamilya actress na baka ­ituloy niya ang pagsabak sa politika sa 2022.

“Nag-decide ako na suportahan na lang ang dad ko whose running for ­mayor ng Quezon City…support muna ako.”

Matutunghayan ang kabuuan ng ­interview kay Ara, just visit Abante ­Facebook page, YouTube channel at www.abante.com.

****

Naghugas ng kasalanan sa Holy Land?

Kamakailan ay naranasan ng seksing aktres na sumama sa isang pilgrimage sa Holy Land, sa Israel.

“Sobrang blessed ako na napasama ako sa tour na ‘yon. It was a ­promo… mahal mag-Holy Land kaya pasok sa budget at saka na-invite ako,” kuwento niya.
Sa dami ng pinagdaanan mong mga isyu at problema, ‘yun ba ang paraan mo para ‘maghugas’?

“Grabe naman maghugas ng kasalanan. No, it’s in my bucket list.”
Sino ang gusto mong isama para ­mawala ang sama ng loob mo?

“Siguro ‘yung mga taong nanira sa akin, ipagdarasal ko sila pero ‘di ko sila dadalhin sa Holy Land…hindi worth it,” natatawang sabi ni Ara.
Makikita nga sa Instagram account niya ang mga photo ng pagbisita niya sa Holy Land. Hindi sinayang ng aktres ang pagkakataong ma-baptize ulit sa gitna ng tour.

Sa isang photo, makikita na naka­suot siya ng puting damit na nilagyan niya ng caption na: “This famous biblical Christian site is said to be where Jesus had been baptized. I feel so blessed to have been baptized here.”

***

Ipinagdarasal ang mga kaaway

Sa dami ng pinagdaanan niya mapa-showbiz man o private, nagi­ging immune na siya sa intriga, batikos. Ang madalas na isyu na bina­bato kay Ara ay ang pagiging third party niya.

“Masyado kasi akong mabait. Nami-misinterpret lang nila ako. Naku ‘wag na nating i-mention ‘yung ganu’ng tao. Ipinagdarasal lang sila at hindi naman lahat ng nagsasalita totoo ang sinasabi,” paglilinaw niya.

“I choose my battle now. I have a daughter and people to protect and business. I have no time for nonsense,” mataray niyang sagot.

Ipinaliwanag din ni Ara kung bakit laging siyang nai-involve sa mga may asawa.
Aniya, “Siguro nababaitan sila sa akin kesa sa mga partner nila.”

‘Hindi dapat maging desperada ang mga single mom!’

Success ang mga tinayo niyang business pero kapalit nito ay sablay siya pagdating sa lovelife.

Wika niya, “Hindi lang naman ako ‘yung babaeng sumasablay sa lovelife pero parang negosyo iyan, try and try until you succeed…andami ko nang tinayong business, so far ‘yung Hazelberry ko OK naman kaya all-time favorite motto ko yung ‘try and try until you succeed’ kaya ia-apply ko na rin siya sa lovelife,” natatawa niyang sabi.

Sa tingin mo kung ‘di ka ­nag-artista, meron kang successful married life ngayon?

“Possible. Siguro isa sa mga reason bakit kami nagbe-break up kasi hindi sila ‘yung priority ko. Priority ko kasi ‘yung ma-achieve ‘yung dream ko, maging successful ‘yung business ko bago ako mag-asikaso ng other priority, kasi mommy pa ako.”

Bilang single mom hindi ba mahirap makaha­nap ng totoong seseryoso sa iyo, tipong hindi lang para ­matikman ka?

“Grabe naman sa tikman…gusto nilang tikman pastries ko…hahaha… ‘Di naman dapat maging desperate ang ­single mom…Nakaka-proud maging single mom at thankful ako dahil OK kami ni Patrick.”

Si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ang ama ng anak niyang si Amanda Gabrielle Meneses. Kahit nauwi sa hiwalayan ang relas­yon nilang dalawang ay OK naman sila pagda­ting sa kanilang anak.

“Ayaw kong ipagkait ang anak ko…hindi ako nagde-demand kung ano lang ‘yung kaya niya…ayoko na pinagtatalunan lalo na pagdating sa pera.”

Gumastos sa lalaki

Ayon sa Kapamilya actress, next year ay open na siyang magpaligaw. Nagawi ang usapan sa kung paano na siya kahanda o careful na siya sa pagpili ng lalake.

“Gusto ko ‘yung consistent. Kahit anong tanggi ko andiyan pa rin siya.”
Generous si Ara kaya sa pagiging mapagbigay nito ay inamin niyang gumastos sa date nila ng guy.

“Oo, pero dahil nakalimutan niya ‘yung wallet niya sa bahay. Hahaha,” aliw na ­kuwento niya.