Una sa Balita

Ara itinanggi ang relasyon sa politiko

By
0 1,607

Isang kaibigan ni Ara Mina ang inusisa ko tungkol sa sinasabing sa birthday party mismo ng aktres siya nabuking ng fiancé ng isang government official tungkol sa sinasabing lihim na relasyon daw niya sa lalaking ‘yon.

“Wala naman akong nakitang ganoong pangyayari, pero ewan ko rin, kasi hindi ko rin naman tinapos ‘yung party!” sabi ng kaibigan ni Ara.

Pero ‘yung picture raw na nakita niya sa isang website na blurred picture, obvious daw na blonde ang kulay ng buhok ng girl na sinasabing fiancé ng government official.

“Nakita ko nga ‘yung blonde girl sa party ni Hazel (Ara), pero ang nakakalito, kung ‘yon ‘yung sinasabing fiancé raw ng government official na nili-link kay Hazel, bakit nakita ko rin ‘yung babaeng ‘yon sa fun run charity event ni Ara sa Philippine Arena?

“So, nakakalito rin. Ang hirap ding magtanong.

“Nag-deny na naman si Hazel, kaya ‘yon ang gusto kong paniwalaan as her friend!” sabi ng kaibigan ni Ara.