Una sa Balita

ARA AT GMA ‘AWAY’, HINDI PA TAPOS!

By
Ara Mina
0 5

Kasabay ng Governor’s Ball ng 65th Miss Universe ang media conference para sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, ang ­afternoon drama series ng GMA 7 na mapapanood ­simula sa January 30, 2017 at ipapalit sa Sa Piling ni Nanay na mag­wawakas sa January 27, 2017.

Mga bida sa afternoon drama sina Julie Anne San Jose, ­Benjamin Alves, LJ Reyes, Jean Garcia, Martin del Rosario at Ara Mina.

Tikom ang bibig ng production staff ng Pinulot Ka Lang sa Lupa tungkol sa kaso ni Ara Mina at sa hindi nito pagsipot sa presscon.

Walang sumagot sa isyu na diumano, sinadya na hindi pinarating si Ara para hindi maging sentro ng mediacon ang ­Instagram rant niya noong January 6 na kakalas na siya sa naturang ­teleserye dahil alam niya ang kanyang “worth” bilang aktres at bilang respeto sa sarili.

Ang mga GMA Network executive ang tinanong tungkol sa problema ni Ara kaya nalaman ng entertainment writers na hindi pa tapos ang pag-uusap ng magkabilang panig.

“Hindi pa tapos ‘yung usapan so ‘yon tinatapos lang ‘yung usapan,” ang sabi ni Redgie Magno, ang Vice President for ­Drama Productions ng GMA 7.

“She took it out na (Ara’s Instagram rant) so whatever that is, should be between production and the artist. Let’s wait na lang for it to be resolved. We will try to resolve it,” ang sagot ni Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable.

Mariz ang pangalan ng karakter ni Ara sa Pinulot Ka Lang sa Lupa at siya ang gumaganap na nanay ni LJ Reyes. Si Ara ang kalaban ni Jean sa kuwento ng upcoming afternoon drama ng Kapuso Network.