Una sa Balita

Ara, Angeline nagpaka-faney kina Sharon, Regine

0 660

Parehong nag-support sina Vice Ganda at Anne Curtis sa first night ng “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.

Natuwa ang Megastar at Asia’s Songbird nang makita sina Vice at Anne sa Araneta Coliseum noong Friday night.

Happy rin sila sa pagdating ni Robin Padilla na pareho nilang naging leading man.

Siyempre, nandoroon si Senator Francis Pangilinan para suportahan ang misis. Nandoroon din ang anak nila na si Miel (hindi ko nga lang napansin si Miguel at si Frankie naman, sabi ni Sharon ay first time ito na wala sa Manila concert niya dahil nag-aaral nga sa New York).

Si Ogie Alcasid naman ay kasama ang anak na si Nate at nakasuporta rin sa misis. Nang matapos ang concert, medyo inuubo na si Nate, kaya iniuwi na ito ni Ogie, pero bago umalis ay kinongratulate muna niya si Regine at pinuntahan din si Sharon.

Nakita ko rin sa Araneta Coliseum sina Angeline Quinto na sobrang nagpaka-fan kina Sharon at Regine at hinintay ang dalawa sa backstage at nagpa-picture at nag-congratulate sa kanila.

Si Erik Santos, nag-enjoy rin sa panonood. Ang comedian na si Teri Onor, may dala pang frames na gifts niya kina Sharon at Regine.

Si Ara Mina, nagpaka-fan din at sobrang natuwa raw siya sa concert nina Sharon at Regine. Nagkita kami sa backstage dahil nagpunta siya sa dressing room ng Megastar. Nahihiya raw siyang pumasok sa dressing room ni Regine, kaya sinamahan ko siya at nagpa-picture rin siya.

Namataan ko rin sa backstage ang mag-asawang Gary at Angeli Valenciano.

Naku, Dondon, sobrang ganda ng “Iconic” kaya tuwang-tuwa ang nanood ng nasabing concert na kagabi ang second and last night.

Marami naman ang nagsasabing sana ay magkaroon ‘yon ng repeat, pero malabo namang mangyari ulit this year, pero next year, mukhang posible naman dahil magkakaroon pa nga sila ng “Iconic” US and Canada tour, huh!

Anyway, congrats kina Sharon at Regine, of course, sa producers na sina Cacai Velasquez-Mitra, Nancy Yang at Sandra Chavez.

And of course, I like to thank them also dahil sa akin nga ipinagkatiwala ang publicity ng “Iconic”.

So, proud and happy na ako ang naging publicist nila for that project dahil sabi nga ni Manay Lolit Solis ay very iconic nga na mapagsama sina Sharon at Regine sa isang concert.

Ang bongga!

Maine, Carlo movie P6.8M ang kinita

Sabi ng mga fan ni Maine Mendoza, happy sila sa kinita ng “Isa Pa With Feelings”.

Ang iba, ayaw namang maniwala na naka-6.8 million lang sa opening day ang pelikula ni Maine with Carlo Aquino.

Sabi naman ng ibang fans, uulit-ulitin nila ang panonood ng “Isa Pa With Feelings” para mas bumongga pa ang box-office gross ng pelikula ng kanilang idol.

Nice!

Marjorie ilalantad ang baho ni Greta kay Boy Abunda

Inaasahan na lalo pang magiging big news ang awayan ng Barretto sisters na sina Gretchen and Claudine vs. Marjorie.

Inaabangan na ang pagsasalita ni Marjorie.

May nag-advice raw kay Marjorie na dapat ay kay Boy Abunda siya magpa-interview para sa kanyang “tell all” at may nagsa-suggest naman na kay Karen Davila na lang.

Well, kahit kanino pa, sure raw na may “tell all” interview si Marjorie para sagutin sina Gretchen at Claudine.

Sad lang na parang ang hirap na ring magkabati ng magkakapatid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy