Una sa Balita

Aquino, Marcos tulakan sa huling puwesto ng Senado

0 1,497

KUNG ngayon gagawin ang halalan, magtutulakan sa huling upuan ng pinaglalabanang 12 puwesto sa Senado ang isang miyembro ng pa­milya Aquino at kalabang Marcos.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS), lumitaw na sina dating Senador Serge Osmeña, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Senador Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV ang maglalaban sa ika-12 puwesto sa Senado.

Sina Osmeña at Marcos ay parehong nakakuha ng 24% habang 22% naman si Aquino.

Si Imee ay anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na pinatalsik sa puwesto sa 1986 People Power Revolution kung saan naluklok bilang Pa­ngulo si Corazon Aquino, maybahay ng pinaslang na senador na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr.

Kapatid ni Ninoy ang ama ni Bam Aquino habang si Osmeña ay isa sa naging biktima ng diktaduryang Marcos.

Sa survey na isinagawa noong Setyembre 15-23, 2018, nanguna dito si Senador Cynthia Villar na may 53%, pangalawa si Senador Grace Poe na may 43% at katabla si Taguig Rep. Pia Cayetano. Sumusunod sa kanila sina Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, dating Senador Lito Lapid, dating Senador Jinggoy Estrada, dating DILG Secretary Mar Roxas, Senador Nancy Binay, Senador Sonny Angara at BuCor chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Nasa striking distance at posible ding manalo sina Senador JV Ejercito at Francis Tolentino na pang-13 at 14 sa survey, ayon sa pagkakasunod.

Sa Oktubre 11-17 na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo para sa May 2019 Midterm elections pero sa Pebrero pa maaaring mangampanya ang mga tatakbo sa national post tulad ng mga senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy