Una sa Balita

Appointees na ‘korap’, nakapila pa – Trillanes

By
0 5

May mga appointees pa si Pangulong Rodrigo Duterte na sinisilip sa katiwalian, ayon kay Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Kinumpirma ni Trilanes na may ginagawa silang monitoring sa mga appointed officials na sangkot sa korapsyon o pagmamalabis sa tungkulin.

Ayaw pang banggitin ng senador kung sinu-sino ang mga opisyal na tinututukan ng kanilang ‘corruption monitoring’, pero sa tamang oras ilalantad umano ito sa publiko.

Sinabi pa ng senador na gagamitin nila ito sa mas malaking pasabog ng katiwalian.

Binanggit din ni Trillanes na mas malala ang korapsyon ngayong panahon ng Duterte administration kumpara noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa ngayon, hindi nakakarating aniya sa level ni Pangulong Duterte ang mga nakukurap na pera, pero kaliwa’t kanan ang katiwalian ng mga opisyal.