Una sa Balita

Apple David nasaktan sa hiwalayang James, Nadine

0 347

HINDI lang ang milyon-milyong fans nina James Reid at Nadine Lustre ang ­nalungkot sa kanilang hiwalayan.

Maging ang sikat na PBA courtside reporter na si Apple David ay nasaktan.

Ito ay matapos mag-react ang byuting reporter sa Twitter account ng film actor na si Joric Pecson.

Sa twitter post ni Joric ay binahagi nito ang naramdamang lungkot sa split up ng JaDine loveteam.

“Sad. Gusto kong mag inom seryoso, ang lungkot!!” tweet ni @imJORIC.
“Bakit ramdam din natin ‘yung sakit” sagot ni Apple sa Twitter account nitong @apppledavid – na pinayuhan naman ni (@TzuPabs) ng “Huwag ka masaktan mam Apple. Tiyak naman masaya silang dalawa kaya naghiwalay.”

Lunes nang gabi ay kinumpirma nina James at Nadine ang kanilang break up sa pamamagitan ng isang official statement na inilabas sa programang Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN matapos ang apat na taon din nilang relasyon. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More