Una sa Balita

Apollo Of Aquila bida sa Don Edong Diokno Race

0 249

KUMINANG si Apollo Of Aquila para masikwat ang korona sa NPC- Don Edong Diokno Special Race Condition Category 20 nitong Sabado ng hapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Nasikwat ni AOA ang P6,000 premyong cash, sumegundo si Et Al habang pangatlo at pang-apat sina Back To Original at Strong Leader, ayon sa pagkakasunod.

Nirehistro ni Apollo Of Aquila ang 1 minuto at 33.8 segundo sa 1,400 meter event na inisponsoran ni howrse owner Edward “Vincent” Diokno Jr.

“Mahusay na kabayo si Apollo Of Aquila marami pa siyang karerang ipapanalo,” saad ni class A riier Mark Angelo Alvarez sa winning horse.

Nagpakitang gilas din sa huling karera si Simlong Rock na nirendahan ni top apprentice jockey Pabs Cabalejo.

Walang kahirap-hirap na hinablot ni Simlong Rock ang panalo sa NPC-Ping-Ping’s Lechon Special Race Three-Year-Old & Above Maiden

Hinamig ni Simlong Rock ang P10,000 mula sa Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy