Una sa Balita

Apo ni Duterte naka-relate, makikipag-chikahan kay Kris

By
Isabelle Duterte
0 2,704

Marami ang interesado kung mauuwi ba sa friendship ang pagko-‘comment’ ng presidential apo na si Isabelle Duterte ng heart emoji sa Instagram post/rant ni Kris Aquino against Korina Sanchez noong Sunday night.

Eh, ‘di ba sinagot naman ‘yon ni Kris na ang simula pa ay, “I have long wanted to reach out to you…”

Noong isang araw, thru her mother Lovelie Sangkola Sumera (ex-wife of Paolo Duterte), kinuha ko ang side ng apo ni President Rodrigo Duterte tungkol sa bagay na ‘yon.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ko kay Lovelie, “Bongga si Isabelle, kinakaibigan ni Kris…” na sinagot naman niya ng, “Yes, I read the comment of Kris, maybe they share same sentiments naka naka-relate silang dalawa – si Kris as mother, kay Isabelle naman as daughter, more or less.”

So, ano ba ang sabi ni Isabelle? Payag ba ang kanyang anak na i-mentor ni Kris lalo na pagdating sa bashers?

Magri-reach out ba ang presidential apo sa sister ni former President Noynoy Aquino?

“I told Isabelle about the comment nga of Kris kasi hindi niya nabasa and she told me na mag-send na lang siya ng private message kay Kris para hindi na rin sila pagpiyestahan ng mga tao.

“Nahihiya si Isabelle kay Kris, pero sabi ko, send her a private message,” sabi pa ni Lovelie.

Kahapon, tinanong ko si Lovelie kung nakapagpadala na ba si Isabelle ng private message kay Kris at positive ang sagot ni Lovelie, pero hindi raw siya sure kung sumagot na rin si Kris dahil wala pa raw naikukuwento si Isabelle tungkol doon.

Yasmien buwis-buhay sa serye ng GMA

Namamayagpag naman sa afternoon slot ng GMA 7 ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi, kaya hindi naman siguro masasabing for the ratings ang sinasabing buwis-buhay scene na ginawa niya at ipapalabas mamaya sa show, huh!

Pinag-uusapan kasi ‘yung eksenang ‘yon ni Yasmien sa Jones Bridge sa binalak niyang pagsu-suicide sa isang eksena sa show. Kitang-kita si Yasmien na nasa ledge ng Jones Bridge na ni wala raw harness dahil makikita naman daw sa camera.

Eh, hindi raw nagpa-double si Yasmien at siya mismo ang gumawa ng eksenang ‘yon.

Noong una raw, ayaw pumayag ng production na si Yasmien ang mismong tatayo sa ledge ng Jones Bridge at baka nga naman malaglag at malunod siya, pero nagsabi raw ang aktres (magaling na naman siyang umarte at nakakagawa na siya ng mga ganitong delikadong eksena, kaya puwede na rin siyang tawaging aktres) na hindi niya gustong dayain ang eksenang ‘yon.

Naku, sa eksenang ‘yon pa naman ay very emotional si Yasmien dahil HIV+ nga ang role niya, ‘tapos ‘yung mga anak niya sa show, ipinaubaya na niya sa character ng mister niyang si Mike Tan, so, ang worry ng mga taga-production, baka mawala sa sarili si Yasmien at maging totohanan ang suicide scene na ‘yon, pero thankful naman sila at hindi nagkaroon ng palpak at safe na safe si Yasmien after ng eksenang ‘yon.

Anyway, mamaya na raw mapapanood sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kaya tiyak daw na tututukan ‘yon!

Ara bokya pa rin sa lalaki

Aba, kung noon ay sinasabing palaging malas si Ara Mina sa mga negosyong itinatayo niya at lahat nga ng mga ‘yon ay nagsara na, sa la­test niya na Hazelberry cakes and pastries, mukhang namamayagpag naman siya.

‘Yung cheesecake nga raw niya, napasama pa sa presidential flights ng Philippine Airlines, kaya naman natuwa siya. Nakakain kaya si Pres. Digong ng cake na ‘yon ni Ara?

Ang alam ko, maraming celebrity-friends si Ara na gustong-gusto ang iba’t ibang cheesecakes niya, kaya mara­ming mga umo-order sa kanya. And in all fairness naman sa kanyang celebrity-friends, nagbabayad sila, kahit madalas pa nga ay pino-post nila ang products ni Ara sa kanilang social media accounts, huh!

Si Ara nga pala ang nagsu-supervise ng kanyang business, kahit pa nga busy siya ngayon sa ta­ping ng Araw Gabi new series nina JM de Guzman at Barbie Imperial sa ABS-CBN. Time ma­nagement lang naman daw ‘yon.

Sa presscon nga ng Araw Gabi at sinabi ni Ara na wala muna siyang boyfriend nga­yon, huh!