Una sa Balita

Apo ni Andres Bonifacio pinasalamatan si Isko

0 335

PERSONAL na pinasalamatan ng apo ng bayaning si Andres Bonifacio si Manila Mayor Isko Moreno sa ginawang paglilinis sa monumento ng naturang bayani sa tabi ng City Hall.

Ayon kay Susan Meyer, naiiyak siya sa tuwing napapadaan siya sa napaba­yaang bantayog ng kanyang lolo.

Ngayon aniya ay natutuwa siyang makita na nilinis ni Moreno ang bantayog sa mga nagkalat na basura.

Matapos manalo bilang alkalde ng lungsod si Moreno ay agad naglabas ng direktiba noong Hulyo 8 upang linisin ang monumento sa mga squatter at vendor.

Personal ding binisita ng alkalde ang lugar at nadismaya ito nang makita niya ang marumi at masangsang na amoy sa lugar. Nakaapak pa ng tae ang alkalde habang iniinspeksiyon ang naturang lugar.

Nang ganap ng malinis ang lugar ay dito na ginagawa ang flag raising­ ceremony ng lungsod. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy