Una sa Balita

Aplikante sa pagka-pulis nag-suicide sa Isabela firing range

By
0 1,038

Isang 28-anyos na ­binata na nag-a-apply sa pagka-pulis ang nagpakamatay sa isang shooting range sa ­Purok Uno, Barangay Rizal, Santiago City, sa lalawigan ng Isabela noong Miyerkoles.

Kinilala ng Santiago Police Station (SPS) ang biktima na si Julius Troy Viernes, ng Purok 2, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ng SPS na ang biktima ay kasaluku­yang nagpa-firing sa loob ng Wilson Shooting Range (WSR) gamit ang isang .9mm pistol.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, sa gitna ng kanyang pagbabaril, bigla umanong itinutok ang kanyang .9mm sa kanyang sentido at kinalabit ang gatilyo.

Agad na isinugod si Viernes sa pagamutan pero patay na nang dumating ayon sa mga doktor.

Si Viernes ay nag-iisang anak at kasalukuyang nag-a-apply bilang alagad ng Phi­lippine National ­Police (PNP).