Una sa Balita

Apl.de.ap tinawanan lang ang puna ni Raissa

0 456

Humamig ng maraming reaksyon mula sa mga netizen ang pagpuna ng journalist na si Raissa Robles sa performance ng dugong Pinoy na international performer na si Apl.de.ap sa naganap na opening ng Southeast Asian Games (SEAG) 2019 nitong Nobyembre 30.

Nagustuhan ng marami ang bonggang opening ng SEAG at parte nga nito si Apl.de.ap, kaya naman nang magbahagi ng opinyon sa social media ang journalist ay agad sinopla ng maraming fan.

Ang sabi kasi ni Raissa, hindi naman daw purong Pinoy si Apl, may dugong Amerikano pa rin ito kaya hindi native.

“Hindi Pinoy si Apl de ap. Amerikano na siya. Pinoy pop – yung kinanta na Kay Ganda ng Lahing Pilipino – hindi native yan. Ginaya sa Amerika. Gaya ng ballet, banyaga pero nilagyan ng mga pinoy elements. I’ve seen very good ballet dances with Phil. native dance movements. #JustSaying,” giit ni Raissa.

Samantala, nang makarating naman kay Apl ang sentimyento ni Raissa ay tinawanan ito sabay sabing, “Let the haters continue to hate, we’re here as a country to motivate and elevate.” (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy