Una sa Balita

Apl.de.ap nag-donate ng retinal camera sa ospital

0 375

Nagbigay ng retinal image camera system sa lokal na ospital sa Pampanga ang international artist na si Apl.de.ap ng hip-hop group Black Eyed Peas.

Ang aparato ay ginagamit sa pag-diag­nose at paggamot sa mga bata na may Retinopathy of Prematurity (ROP) na nagi­ging sanhi ng maagang pagkabulag ng premature infants.

Sa isang press conference, inamin ni Apl.de.ap, Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay, na nagkaroon din siya ng problema sa mata noong siya ay bata pa lamang sa Sapang Bato, Pampanga.

Nagamot lamang ang problema niya sa mata sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Pearl S. Buck Foundation.

Upang makatulong naman sa mga batang may problema sa pa­ningin, nag-donate ito ng retinal camera sa ospital sa Pampanga sa pamamagitan ng kanyang Apldeap Foundation.

“The Apldeap Foundation delivered our first retinal came­ra outside of Manila to Davos (Davao City). And today we deli­vered our second one to the Jose B Lingad Memorial Regional Hospital Pampanga,” ayon kay Apl.de. ap sa pinost nito sa Instagram.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy